Friday, December 29, 2006
briefcase NO. 8
grabe. hanggang ngayon, parang namamanhid pa rin katawan ko. tangina kasi. sobrang napakagaling ni TERRY LIM CUA, ang kauna-unahang nakapag-uwi ng 2million pesos sa deal or no deal. takte. ang galing niya maglaro. natira ang 500,000, 1,000,000, at 2,000,000. sure win. nagbukas ng isa pang briefcase, nawala ang 500,000. takte. ang sarap. milyonaryo na deal man or no deal. ang galing talaga. sigaw ako ng sigaw at nagtatatalon pa ko dito sa bahay(feeling kakilala un.haha) ang galing. nakakabilib talaga di lang dahil sa 2million laman ng briefcase pero un nga, ung kung ano ung mga natira. galing talaga. di na naman ako makakatulog nito. wahahaha! congrats sa kanya, napakalupet niyang nilalang. may God continue to surprise us all with such blessings. thrilling and encouraging. yebah!
Thursday, December 28, 2006
2006 is almost over and it's time to start over.
In 2006, did you...
1.fall in love with someone that was just a friend?
-not fall in love but admired. up to now.
2.fall in love at all?
- was then again, am. washu! lande. haha!
3.lose any friends?
- due to some fortunate-for-them-but-unfortunate-for-me situation. yes.
4.make any new friends?
- yeah, FG/B! and some other pipz.
5.make any new enemies?
- jervis and I had a fight so we
were enemies during those boring moments but we're now cool. other than that, none at all.
6.develop any new hobbies?
- hmmm. maybe? not sure.
7.get older?
-yeah? literally.
8.do anything you regret?
-yes, as a matter of fact, I
did regret something which I was able to reset.haha. thanks to september 1.
9.go to any parties?
-yeah.
10.accomplish anything?
-so far, I suppose? having gone through 3 grading periods without a single late is a great accomplishment(for me at least).hehe. and being the top one for the first two gradings. di ko alam ngayong 3rd eh. bahala na.hehe.
11.make much money?
- unfortunately, no.
12.attend a wedding?
-can't recall.di ata.hehe.
13.attend a funeral?
-nope.
14.get any new family members?
-yes.
15.move away?
-no.
16.gain any new perspectives?
-oh hell yeah.
17.get into a verbal fight?
-yes?
18.get into a physical fight?
-not sure. haha.
19.attend any sporting events?
-can intramurals be considered?sana nga eh.taenang c.e. nga lang.agaw trip ampotah. oops. sorry.
20.get arrested?
- nope.
21.get kicked out of a store,restaurant or any other kind ofbusiness?
- nope.
22.get offered a job?
-nope.
23.learn anything?
-super dami tol!
24.dump your bf/gf?
-harhar.
25.get dumped by your bf/gf?
- no.
26.change as a person?
- to be a better human being. bwahaha! sabeh!
27.get any new piercings?
- last april, pero natakot kasi ako na baka ma-infect ulet kaya tinanggal ko dn agad. aun, nagsara ulet. hehe.
28.attend a concert?
-di pa ata. aww.
29.travel out of state?
-anong state? hehe. senxa ah. di uso yan sa pilipinas eh.haha.
30.travel out of the country?
-no. how i wish.
31.spend much money?
-yeah.
32.download any music?
-yeah.
33.try out any new looks?
-hhmmm. di ata eh. haha. muka pa ren akong nasa bahay pag lalabas ng ako ng bahay eh. haha.
34.eat a food that you had never eatenbefore?
-yeah!
35.go golfing?
- hinde.
36.go bowling?
-yahuh. hehe.
37.start to resent something or someone that you used to like?
-secret.haha.
In 2006, how many....
1.different places did you work?
-N/A
2.times did you go out drinking?
- twice pa lang sa buong buhay ko pa un. haha.
3.times did you smoke marijuana?
- langya. di ko ttry yan.
4.times did you go to the movies?
-dami eh. mga isa. hehe. nde. di ko alam.
5.people did you make out with?
-wala. taena.
8.crushes did you have?
-napakadami eh.di ko alam.hehe
9."rough nights" did you have?
-and what the hell is that exactly? whatever.
In 2006, what was...
1.your favorite day of the year?
-friday.
2.your favorite band?
-hale.the fray.wickermoss.at napakadami pang iba.
3.your least favorite day of the year?
-monday.
4.your favorite movie?
-twins effect pa din the best. madaming iba dn.
5.your favorite song of the year?
-buwan by wickermoss at madami pang iba.
6.the biggest event you attended?
-ano nga ba? di ko alam eh. para sakin, intrams ung biggest. haha!
7.something that didn't change at all this year?
-ung effects ng fantaserye whatever ng abs-cbn. haha. they never improve. hehe. sama eh!
8.your favorite holiday?
-christmas.
Misc. questions about 2006 A.D.
1.were you in a hospital this year?
-naks. A.D pa! hmm. bumisita lang ako.
2.were you in an ambulance this year?
-nope.
3.did you make any big confessions in06?
-hell yeah.bwahahaha.
4.did you make friends with anyone of the opposite sex that you love but only embarrassed about anything you did this year?
-ano?di ko gets.haha. whatever.
5.what's the best thing to happen to you this year?
- falling apart then bringing the pieces of myself all back together and learning form all those sh*t I've had. haii. what a great feeling. haha.
6.did you meet anyone that you could see yourself marrying?
- naman tol, 15 lang ako. pero sana. haha.
7.did anyone you have no feelings for confess to having feelings for you?
-hmm. wala ata. hihihi.
8.did you vote this year?
-sa SC lang ng school. hehe.
9.did you bring sexy back this year?
-ha? di ko ulit gets. haha.
10.was 2006 a great year, an averageyear or a bad year?
- pretty crappy but it was cool and great and everything. hehe.
11.what goals did you set for 2007?
- lesser words, more actions. let's bring it on. or maybe i'll try. haha.
kakakita ko lang ng trailer ng Mano Po 5, wala lang. parang pang commercial ung last part(kissing scene nila richard at angel), Mcdo ang pumasok sa isip ko. di ko alam kng bakit. hehe. wirdo.
nag-badminton kami ng aking nakakatanda at nag-iisang lalaking kapatid sa may valuepoint. ok naman. masayang magbadminton pero super nakakapagod. hehe.
gusto ko nang makita si...
Wednesday, December 27, 2006
pasko
nung december 23,(?)(nalilito pren ako sa date.langya.) pumunta kaming bicol. sobrang biglaan lang ung pag-alis namen kasi dapat talaga di na kami tutuloy dahil wala pang kuryente sa bicol. pero nung friday, nagkaron na uli kaya aun, sabay sugod kami dun. nung dumaan kami sa daraga ata un, bsta ung apektado nung mudflow(tama ba?hehe.whatever), grabe. nakakaawa ung mga bahay(oo, ung bahay) kasi natabunan talaga sila. ung iba bubong na lang ung matatanaw, ung iba wala na talagang bubong, at ung iba naman, wala na talaga ung bahay. devastating, sabi nga ng tatay ko. hay nako. pati ata ung Cagsawa Ruins eh na-ruin pa ulet. huwalangya. kawawa naman ang pilipinas. ung kapit bahay din namen dun sa Bacon(ba-kon), Sorsogon, kubo kasi ung bahay nila. siyempre, puro kahoy lang un tapos tatapatan mo si milenyo, aun, nawalan sila ng bahay. milenyo pa lang un ata eh. hindi pa si reming. pero nung pagdating naman namen, buo na ulit bahay nila at semento na talaga. hehe. ung lumang bahay naman na pinagtatambayan namen at pinupuntahan pag my prusisyon pra makanood kami, wala na din bubong. un kasi ata pinakamatandang bahay dun sa Bacon eh. hehe. pati ung bahay sa tapat nun na kakilala nila ma, sira na din. as in sira talaga. kawawa nga eh. aun. maulan pa din dun sa Bicol, at hate ko talaga ang ulan ever. badtrip. pero enjoy naman dn kahit ganun. hehe. nung hapon ng 25, naglaro sila ate jenna, kuya, at mga pinsan ko ng poker, ako ung dealer. ang kulit nga eh. simula 3 pm siguro sila dun hanggang 7 or 8? ubusan ng pera kasi. at si ate jenna pa nanalo, nag-iisang babae sa mga kasali. tsktsk. sumunod na natripan laruin ay lucky 9. feel ko hindi ako lucky sa 9 dahil ilang beses lang ako nanalo. langya. ubos barya ko. si ate jenna na naman ang nanalo. lakas chamba ang bruha. after nun, mamam na kame. harhar. aun. ayos naman. di pa din ako bumigay. haha! masayang experience. pero mas masaya siguro kung buo kaming magpipinsan. hehehe. kinabukasan, hmmm. ordinaryong araw, umuulan pa rin kaya nakakawalang gana. napagdesisyunan kong tapusin ng basahin ung "Memories of Midnight" by Sidney Sheldon, regalo ni
jm, natuwa pala ako sa regalo nya dahil libro un ng peyborit author ko eh kaya salamat sa kanya. aww. haha. whatever. so un nga, as usual, na-hook na naman ako at di na muling binitawan ung libro kaya natapos ko agad. nakakabilib ung author dahil ang galing niya. hehe. para kasing napakadami niyang alam sa mundo. haha. basta un na un. maganda ung storya. tungkol siya sa isang babae, si Catherine Douglas na isang araw ay gumising isa isang convent na walang maalala tungkol sa kanyang nakaraan pero meron siyang mga napapanaginipan na feel niya ay part ng past niya(oo, part nga un.hehe). Tapos si Constantin Demiris(isang billionare), balak niyang patayin si Catherine para paghigantihan siya at blahblahblah. magulo ako magkwento kaya wag na.haha. so aun, basa-basa. tapos after mag-dinner, nag mahjong(kung ano man ang spelling nun) kame, nakailang laro lang ako dahil feel ko ang hina ko dumiskarte eh at ayoko na naman maubusan ng pera. hehe. aun. dahil wala nakong magawa, naisipan kong matulog na pero di din ako nakatulog agad kaya soundtrip sandali tapos aun,inantok den. tapos kinaumagahan(umaga ng 27) nagprepare na kami para sa aming pagbalik dito sa lp. grabe. napakahaba ng biyahe. nakakahilo pero eto pren ako, nag-iinternet na naman at hindi pa nagpapahinga. hehe. aion. un lang. haha. di pa kami nageexchange gifts dito sa bahay. atat nakong makatanggap ng regalo. haha.
new year na sa 1(malamang!hehe)
may isa nakong resolution. wala pa kong maisip na iba eh. hehe.
sana magawa ko ung nag-iisa na un. haiii. good luck. haha.
sa lahat, Happy New Year mga tol!
Friday, December 22, 2006
maling akala
akala ko sabado ngayon. akala ko talaga. kaya nagtataka ako bt may daisy siyete(maid namen nanonood nun ah. haha!), pangako sa'yo(maid pa dn namen sumusubaybay dun) at deal or no deal. hehe. langya. kala ko kasi wednesday ung christmas party. so simula nung party, I've lost track of the the days. weird. wala lang. napapaisip pa din ako hanggang ngayon. haha! engets.
kanina, sobrang walang magawa dito sa aming munting tahanan(text lng, lowbat pa). nagutom ako(nakakainip kasi.haha!)naisipan kong bumili ng pagkain sa may tindahan malapit samen. so aun, paglabas ko ng bahay, nakita ko ung dalawa kong best buddies sa my tapat namen. after kong bumili, dumeretso ako sa kanila at nakipagkwentuhan. andami dami kong walang alam tungkol sa mga kalaro ko at kapitbahay at lahat, di na kasi ako lumalabas ng bahay. ni kapit bahay nga namen di ko alam kng dyan pa nakatira o hindi na eh. hehe. andami na ding di nakakakilala saken. haha.
ganito kasi un,
1. dumaan si lawrence(crush ko dati. mga 21 yrs.old na ata un. anyway, who cares?) habang naglalakad siya, tinitigan nya ko at sinabing "si jade pala to, laki mo na ah.(naglalakad pa dn xa) anong yr ka na?(naglalakad pa dn)" siyempre tumugon ako, "3rd yr....." saktong wala na siya. haha.
2. nagbbisikleta naman si michael(kalaro ko dati.hehe.bata pa din un hanggang ngayon.haha) tapos napadaan siya sa harap namen. napatigil siya at tinanong, "sino to?(tinitigan na naman ako sandali.mga dalawang segundo) ah, si jade pala to!"(umalis na siya.haha!)
aion. medyo madami silang nakwento na nakakagulat(haha!) tapos tinuturo nila ung mga batang naglalakad dyan sa may street namen na hindi ko kilala. andami na kasing bagong batang nagsusulputan ngayon eh. haha! aun. nalaman ko den na ung mga kalaro ko dati na super adik sa teks, trumpo, at kung ano2 pang mga laruan na nauso nun ay may mga girlfriendsss na. haha! grabe. parang sa pinoy big brother house ako tumira. wala akong news about the outside world(world lng dito samen.hehe)aun. wala lang. parang ambilis kasi ng panahon. haha! iyak na eh. aion. i just miss the old times. nakakamiss ung patintero na ang haba-haba ng tatakbuhin namen dahil ang haba nung linya, ung jack in the box na halos mahubaran na ko pg naglalaro kami dahil todo hilahan at sobrang nakakatawa, ung bang-sak at tagu-taguan na takot na takot akong laruin lalo na pag gabi, ung agaw base na nakakatakot dn laruin dahil madalas, boys vs. girls un. ung chinese garter na anlayo-layo pa ng pinanggagalingan ko dahil mataas ang tatalunin ko, ung jumping rope, lutulutuan/bahay-bahayan na super saya ever, ung paggala kung san2 dito sa phase2, pag-uwi ng 10 ng gabi lalo na pg bakasyon, at napakadami pang iba! grabe talaga. nakakaiyak. awww. haha.
napakasaya maging bata.
Wednesday, December 20, 2006
napakahusay!
haii. grabe. napakasaya ng lunes at martes ko. hekhek.
DECEMBER 18last day ng intrams. aww. champion kami A-Z. yey! my laban dn kami sa table tennis, kalaban lorenzo, panalo. right after nung game na un, ezmo naman kinalaban namen,talo. :( pero ayos lang. enjoy pa din. aion. medyo matagal-tagal dn nameng inabangan game namen sa volleyball, championship kalaban 4th yr-st. mark tapos after 48 yrs, laban na. panalo kami! yey! champion! pro feel ko ambobo ko maglaro. hekhek. haiii. whatever, bsta panalo. napakahusay! after naman nung game na un, pahinga mode sandali tapos nood kami basketball girls, talo. pero ayos lang dn. hehe. nung uwian na, pumunta kami sa starmall. bumili kami ng pagkain(ako, yvette at jervis) nakalimutan ko tawag dun eh pero bsta parang rice in a box siya. sobrang nakakatakam siya pag tinitingnan mo habang niluluto pero nung kinain ko na, di ko malasahan ung chicken. sana beef tapa na lang pinili ko.hehe. d ko maubus-ubos dahil nakakaumay talaga. kinonsensiya pa ko ng mga kasama ko(jervis, yvette at jm) dahil masama dw di ubusin ang pagkain. hehe. nahirapan dn ung dalawang ubusin un pero naubos nila at di ko alam kng pano nila nagawa un. haha! nang-asar pa sila, di daw makapaniwalang di ko maubos ung pagkain! aba naman o! hehe. pgkatapos nun, umuwi na kami. hihi.
DECEMBER 19Christmas party. napakaaga kong gumising para makapunta ng maaga sa skul, atat kasi akong makita ng isang tao dyan eh. wahahahaha! kapal eh! pero kinailangan kong bumili ng mga candies sa 7-11 para sa prizes. aion. napakatagal ko na dun! hehe. mga 6:15 ako nakadating sa school. b4 pa ko makadating dun, may na-experience pa kong kakaiba. langya kasi mga tao ngayon eh.hehe
1. dun malapit sa public school sa may plaza, bsta super dami silang mga high school students ata pero naka-civilian sila tapos nagtatakbuhan at nagbabatuhan ng mga bato talaga. katakot nga eh. langya. pero aun. buhay pa naman ako. hehe.
2.ung bahay dun sa likod nung palengke, nasusunog. akala ko nga may artista lang eh kasi andaming nagtatakbuhan papalapit pa sa sunog ah! pero nung pagbaba ko, as in nakita ko talagang nasusunog ung bahay. siyempre di na ko tumitig ng napakatagal dun, medyo lang.haha! pagdaan ko ng simbahan, pumasok na agad ako ng school.
ok naman ung party, ang sarap nung nuggets at shanghai at cake at baked mac. hehe. tska ang kulet nung game na iinumin ung softdrinks pro butas ung straw.hehe. sakit sa lalamunan. nyahaha! after nung party, pumunta kami kila francis sa cavite. may na-experience na namen kaming kakaiba,
3. may 3 batang sumakay sa jip, binigyan nila bunso ng candies tapos pinapababa na sila nung driver pero ayaw pa din bumaba, kung ano2 na pinaggagagawa nila dun! pinagdiskitahan pa ung regalo ni faye na unan(from bunso) tapos bsta, katakot eh! aion, tinigil nung driver ung jip tapos kunwari papaluin sila kaya bumaba sila tapos may pahabol pa, nambato ba naman! langya! sarap kaladkarin eh! hahaha! sama eh!
after 48 yrs, nakarating na kami sa citta italia. ang tahimik dun tska napakalayo nilakad namen.hehe.pagdating dun kila francis, nakita namen ung kapatid nya na sobrang cute! aion. naglaro sila ng tennis pero siyempre di sa court. laro2 lang talaga. tapos meron pang isang laruan dun, nakatali ung tennis ball tapos pag tinira mo, babalik sayo.hehe. bsta un na un! napakasayang laruin! dalawang beses pa ngang sumabit un sa kable ng kuryente eh. haha! una, ako ung my sala tapos nachambahan ni macryn nang batuhin nya ng kanyang sapatos tapos pangalawang beses, si yvette. antagal nila bago mapabalik ung bola. haha! hitsura nga nila jervis, macryn at mami dun eh! wahahaha! tapos si rodney, haha! parang palayok lang hahampasin eh! aion. ankulet talaga! haiii. enjoy! grabe dn maghanda ung nanay ni francis, as in handa kung handa eh! ansarap nung pancit tska nung inihaw! hekhek. aion. past 5 na kami umalis, actually late na nga un eh kasi ang haba pa ng lalakbayin namen. hehe. tapos may isa na naman kakatakot na nangyari,
4. habang nagiintay kami ng jip, merong nagsapakan na lang bigla dun sa likod namen! di naman as in sapakan pero malapet na. haha! tumigil naman agad sila, buti naman.
enjoy talaga ung araw na un(kagabi, kahit andaming nakakatakot na nagyari.hehe) as in todo talaga! hehe. salamat sa mga kasama ko!
bakasyon na naman, nakakamiss. sana intrams ulet. hehe. next yr, start na ng 4th grading. parang ambilis ng oras, magbabakasyon na agad. haiii. kung kelan naman enjoy ang buhay dun napakabilis ng oras. tama ba un?! agaw trip eh! hehe.
magpapasko na.
sa mga nakakabasa neto,
Merry Christmas! God Bless!
Sunday, December 17, 2006
one hell of a week
wow. isang linggong walang update. busy kasi eh.(kunware).masaya tong linggong to. eto ang mga nangyari.
DECEMBER 11periodical test namen sa religion at chemistry. sa religion, 40 items. todo hula lang kaya goodluck sa resulta.hehe. sa chem naman, di ko nasagutan lahat. pro sana naman pasado ako.
nag-mcdo kame after ng test. ang gara na ng mcdo pamplona. mas gusto ko pren ung dati kasi ung ngayon, sobrang sikip. pano ba naman kasi, 8 ata o higit pa kami sa iisang table lang. mas convenient(ha?) pa din ung dati kahit simple lang. after nameng magpakahirap kumain sa mcdo, pumunta kami starmall, sa may Finds. hehe. ang kukulet ng mga andun. cute nung mga damit pero siyempre hanggang tingin lang kami. hehe.
DECEMBER 12filipino at english ang test. di ako nagbasa ng noli. hehe. kamusta na kaya test ko dun? sa english naman, kung ano matandaan ko, un na un. hehe. nalaman ko na resulta sa english, masaya naman.hehe.
DECEMBER 13last day ng perio. geom. huwaw! aun. bara-bara, bagsak tuloy. hihihi. pumunta kami sa bahay nila francis after. mga jobap. para maglaro at tumambay at kung ano2 pa. napakasaya nung araw na un. super. pahapyaw kong napanood ung hostel. taena, ang brutal! kaya d na namen tinapos at nagsiuwian na kami.hehe.
DECEMBER 14halos walang klase. nataranta lang kami sa geom. hehe. recording time na naman kasi ng SW, AS, at Qs. tarantang tae na naman ako. tensionado pero sana di ako nagkamali. langya. halos wala talaga kaming ginawa. nag-usap lang tungkol sa christmas party at sa intrams at kung ano2 pa kaya masaya.
DECEMBER 15first day ng intrams. woohoo! ung parade, aun. ayos naman kahit mainit. after nun, kanya2 na kami. panalo kami table tennis, maxi kalaban. panalo din kami against lorenzo. panalo din kami volleyball against thomas. napakasayang mag table tennis at naadik na naman dun mga kklase kong lalaki. panalo din sila jervis sa badminton. sobrang kangarag tong araw na to. pero napakasaya paren.
DECEMBER 16di mxadong maganda tanghali ko. hehe. pero after nun, naayos dn at masaya na ulet. hapon laban namen sa volleyball, kalaban enzo. panalo. yey! nag A-Z din pala kami. d ko alam kng ano balita dun. hehe. nakalaban naman namen ezmo sa table tennis, talo. sayang. pero double elimination naman daw kaya sana may pag-asa pa. nung pag-uwi ko, brownout at napakahaba ng pila sa sakayan ng tricycle sa labasan. kamusta naman un? di ako nag-special pero sobrang natakot ako kasi sobrang dilim kaya ng lalakaran ko. brown out nga kasi. buti na lang may mga bata, ung mga kalaro ko dati(mga nasa elementary pa dn karamihan.hehe) na naglakas loob pang gumala-gala dun sa kalsada kaya di naman ako nag-iisa. hehe. sobrang init nung pagdating ko tapos pagod na pagod pa ko kaya nakakabadtrip. 9 pa daw magkakakuryente. langya. edi hintay naman ako. nahiga lang ako hanggang 9:30, naghihintay ng ilaw at sa wakas, nagkaron dn. agad kong chinarge ang cp ko at ngtxt ng onte. mga importante lang. di ko natapos ung PDA, pero feel ko si yeng panalo dun.hehe. aion. nag-internet ako sandali at natulog na. paggising ko naman kanina, sobrang saket ng katawan ko. grabe. hehe. birthday dn ng nanay ko ngayon!
DECEMBER 17kaarawan ng pinakamamahal kong nanay. to
Mamang, Happy Birthday! You're the BEST!Happy Birthday din sa 'Pambansang Kamao' ng Pilipinas, Manny "Pacman" Pacquiao! (pauso talaga ng mga pinoy o!)
pupunta dn ako mamaya sa sm, kasama si tatie para mamili ng regalo. hai nako. di ko alam kng ano2 mga bibilhin ko. bahala na! haha!
Sunday, December 10, 2006
special mention
dahil napaka espexal at mahal na mahal ko tong taong to, nais ko siyang batiin ng
Happy Birthday Meggy!fyi, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan sa buong mundo na kasalukuyang naninirahan sa Australia. miss na miss ko na siya at sana'y makabisita sila dito sa abril. sana naman noh!
aion..to
Besh, happy birthday. as i always say, stay pretty and bitchy but in a good way. luvyah biatch! mwah mwah! i miss you!mababasa nya den to pagdating ng panahon. baka mamaya na nga eh. hehe.
habang tinitingnan ko blog ni tatie, naisipan kong tingan profile nya. meron dung name analysis tapos nakalagay dn dun ung site kng san nya nakuha meaning nung name nya. tnry ko at ito ung sabi:
"Although the name Jade creates the urge to be reliable and responsible, we emphasize that it causes
procrastination, lack of confidence, and the inability to realize your goals and ambitions.
This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses in the fluid systems, and worry or mental tension.
As Jade you are rather serious-minded, responsible, and stable.
You have the gift of tact and diplomacy
, and possess a charming, easy-going nature which endears you to others.
You have a serious desire to understand the heart and mind of everyone, and could be very effective in a career or in volunteer work where you are handling people and serving in a humanitarian way.
This name also gives you a love of home and family, and as a parent you would likely be fair and understanding."
nung nabasa ko, bumilib ako kasi medyo totoo xa. hehe. ung mga bold letters dyan, un talaga napapansin ko sa sarili ko. ang galing galing. nakakabilib. hehe. wala lang.aliw lang ako.
www.kabalarians.com
Saturday, December 09, 2006
sakit
masama ang araw na to. as in. kahapon, akala ko lagnat lang meron ako pero kaninang umaga, sobrang as in napakasakit ng tiyan ko. di ko alam kng bkt. sobra talaga. tapos nung hapon naman, sobrang sakit ng ulo ko kaya tinulog ko na lang. pagkagising ko, super saket lalo. taena talaga. di pa tuloy ako nakakapag-aral para sa perio. di kasi ako makapagconcentrate(pero kng makapaginternet eh noh?hehe) langya talaga. grabe. sakit ng ulo ko. ang sakit ng tiyan ko. langya o. dpt bukas wala na to. parang mamamatay-na-ko ung nararamdaman ko ngayon. hehe. shet. aion. goodluck saken sa perio. sana bukas wala nakong sakit. haiii. badtrip.
Friday, December 08, 2006
masaya partII
di ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon(ha??hehe) pero siyempre ipapaliwanag ko pren para masaya. hihi.
ang totoo nyan, hindi maganda ang gising ko this morning. si ate jenna kasi, pasaway. ginigising siya ng maid namen(katabi ko kasi xa matulog at siksikan kami at ang init pa. patay ung e-fan. di ko alam kng bkt) pero ayaw nya pren bumangon. ginigising na ren xa ni ate janice. tapos yinuyugyog(tama ba ung term?hehe.whatever.pero mahina lang kasi medyo tulog pren ako nung mga oras na un)ko na dn xa para bumangon na xa at masarili ko na ung kama. eh napakakulet. ayaw pa din! tapos etong si ate janice, ako naman ginising. maligo na daw ako. 6 na daw kasi at blahblah(pupunta kasi kami divi) tapos aun. ang nangyari, bumangon kami ng bandang 8 ata. wala tuloy miski isa samen ang maaga.tsktsk. aun. naligo tapos nag-ayos at sa wakas ay nakaalis na ren kami sa aming tahanan. hinatid namen si ate jenna sa PLM tapos kumain kami dun sa kainan malapit sa(actually super katabi talaga eh) MAPUA at Lyceum. nakalimutan ko tawag sa kainan na un eh. pero sobrang sarap ng pagkain. sobrang mabenta nga eh dahil andaming tao. aun. after nun, nagpark kami malapit sa Letran tapos naglakad kami hanggang 168 na(layo nun.takte) so aun.napakadaming tao. kapanghina. pero ayos lang. nakabili ako wallet. wahaha! un lang nabili ko dun. hehe. di kasi ako makatigil sa mga tindahan dun eh kasi nga andaming tao tska ate ko kasi, excited umalis. tumawag pala si *muffin* ni tatie(haha!) sakin dahil kasama niya dw si.....pero di ko xa masyado nakausap kasi naman, ate ko paranoid, pinapababa saken kasi daw andaming tao. as if namang may mattempt na magnakaw cellphone ko. nyahaha! so un nga, sinabi ko sa kausap ko na maya na lang siya tumawag dahil may ginagawa ako. anyways, aun..mga 3 na kami nakaalis dun tapos sobrang sama na ng pakiramdam ko. pagdating ko dito sa bahay, nagpalit agad ako ng pambahay na damit tapos uminom ng gamot tapos humiga sa kama. maya-maya, nagvibrate cellphone ko. tumatawag ulet si *muffin*-ni-tatie..ahehe. tapos nakausap ko ung kasama niya. secret na kung sino un. wahaha! sobra tuloy gumaan pakiramdam ko(naks! sabeh!) mga 12 minutes kami nag-usap(pero mas matagal ata kami nag-usap ni *muffin*-ni-tatie) dahil inuto nya pako.hehe. biglang naputol at un, di na muling tumawag. aww. dahil ginanahan ako, heto ako at nagccomputer.hehe. kanina, nagtxt siya(di si muffin-ni-tatie ah, ung isa). di ko nasasabihin sinabi niya..wahahaha! bsta ang kulet.hehe. tapos meron pang isang nangyari. pero di ko na ikkwento un.(gulo ba!) hehe. akin na lang un. bsta ang galing galing. tuluyan na atang nawala sakit ko. hehe. napakasaya talaga. ahaiiii. in fairness, masaya nga ako ngayon(based on my previous post) aww..kaiyak..hihi...
Thursday, December 07, 2006
doppsa
tapos na ang doppsa. awww. at wala man lang akong napanood na game nang maayos. gara kasi eh, bawal daw. nako. pero kanina, napanood namen ung 2nd set(ata) ng championship ng highschool volleyball boys. panalo sja nung set na un(napakalupet ni norman mante!) pero nung 3rd set, biglang nag-bell. akala namen, pwede kaming manood dahil wala naman si mrs. mante. pero my nagsabi na 4th yr na umakyat daw kami sa classroom namen. nung pabalik na kami, nakita namen si mrs.q. aba naman! napatago kami dun sa ust! hehe. hinintay namen siyang maglakad dun sa kabilang side nung puno para di niya kami makitang dumaan dun sa kabilang side pero nahuli din kami eh. hitsura na lang namen dun, wahahaha! ankulet talaga. so aion nga. back to the ball game(sabeh!), champion SAS pero galing dn ng SJA siyempre noh! kasabay pala nung game na un ung championship dn ng volleyball girls pero sa sportsfield pa. sayang. di man lang ako nakasilip. gara kasi eh. pero champion sila.galing galing! pati elementary volleyball boys and girls, champion. ang saya! hehe. pati chess. galing! sa mga varsities,
CONGRATS!
ilang araw na lamang ay periodical na.uhmmm..mga 50...hehehe. nde. tatlo ba o apat? ah basta un na un. bukas wala kaming pasok. balak nameng mag-divi ni ate at medyo nae-excite ako dahil if ever matuloy kame, un ung first time kong makakatung2 dun! ehehehe. anyways, di ako sa perio nae-excite(asa naman!) kundi sa intrams(pinakahihintay ko, ikinatutuwa ko lang sa pasukan.hehe) di na talaga ako makapaghintay. gusto ko kasi ang ambiance pag intrams(nyahaha!whatever!) kaya sana naman, as in sobrang sana, di umulan! pero may naririnig akong balita. di ko alam kung totoo pero sana hinding hinde. may pasok daw kami sa 16(saturday), 2nd day ng intrams un. taena. ano ba naman un db? wag naman. ang korni. sobra. di nakakatuwa. sabeh! hehe. gara talaga. so un nga. sana 14 na(ehem!).
goodluck pala saken sa perio. una chem. kamusta naman un?
napakasaya kong tao(ngayon lang) pero sana bukas din......... at sa isa pang araw........at sa susunod pang araw.......... at sa habambuhay.........awwwww...... nakakaiyak!!! bwahahaha!
wala lang. masaya lang.hihi.
Monday, December 04, 2006
bagyo
ang saklap ni reming. nakakabadtrip.
nung isang araw o the day before pa nun o kng kelan man un, late na ko natulog. siyempre dahil sa kakainternet. habang nag-iisip ng pwedeng gawin, naisipan kong mag profilehopping(hehe. kung may bloghopping, edi may profilehopping den?nyahaha!whatever.pero ganun nga un) so un nga. ung iba, ginawan ko ng testi na ang laman lang ay "oi.napadaan lang.yngat" o kaya "musta? miss na kita! yngat!" at iba-iba pa. karamihan sa kanila ay mga taong hindi ko na nakikita o nakakausap ngayon. mga former classmates sa dati kong school, dating classmate na schoolmate ko naman pero di ko nakakausap. mga schoolmates dati na nasa ibang school na. at marami pang iba. tapos dun ko naisip, "taena, andami kong namimiss!" oo. nakakamiss. sobra! actually meron akong friend sa friendster na dati ko daw classmate pero nakakainis dahil hindi ko maalala. gr.2 ako nung last akong pumasok sa school na un kaya konti na lang naaalala ko. tinanong ko si rizzi, dati ko ding classmate kng sino si "miko" na hindi ata ang totoo nyang pangalan. si jam daw xa. hmmmm. sa ngayon, hinihintay ko reply ni rizzi(sa friendster) kng sino xa. ang gara talaga. sana magparamdam silang lahat sakin!hehe. para tuloy gusto kong bisitahin tgws(skul ko dati) kahit wala nakong kilala dun. tapos ano pa ba? si paula ballenas din, kinamusta ko. miss ko na ng sobra un! haiii. gusto kong kausapin mga di ko na nakakausap ngayon. kamustahin man lang. si gian villatuya den, nako! mas updated pa ata xa sa nangyayari sa buhay ko ngayon kumpara sa iba na kklase ko na nga eh. hehe. gara talaga... sobrang nakakamiss!!!! pati si meggy na nasa australia na ngayon. takte. miss ko na ung bruhang un! sana makauwi siya sa april. haiii. buhay nga naman. pasaway. awwww.nakakaiyak.(haha!)
Sunday, December 03, 2006
nakakapanghina
ngayon, napakadami kong pinoproblema. hindi ko alam kung ano uunahin ko. leche talaga. nakakabadtrip!
Chemistry. nakalimutan ko na may presentation pala kami dito. as in nakalimutan ko talaga. hindi ko alam kung ano gagawin ko dahil isa ako sa mga leaders(si errol ung isa pa). hindi talaga ako mahilig gumawa ng script o kung ano man para sa mga plays kaya sobrang wala akong idea. kelangan kasi nameng gumawa ng advertisement para wine tska soap na ginawa namen. nakakainis talaga. bt pa kasi kelangan ng ganun? nako naman.
English.leader din ako sa project namen dito. ala-speech choir kame dito. sana makayanan ko. bahala na.
Religion.nakapagresearch na ko kahapon. ok naman. pero may mga details pa ren na hindi ko alam.tsktsk.ittype ko na lang ung mga un tapos tapos na ko. yey! pero kulang pa ko sa pics eh. di ko alam kung saan ako kukuha. langya.
Health.bukas na namen ippresent to. advertisement den. wala akong alam dahil di naman kami nag-meeting nung groupmates ko.haii.kasi naman eh.ewan ko ba. badtrip.
AP.wala sakin ngayon libro ko kaya di ako nakapagbasa.bagong lesson pa man din kami. kinakabahan din ako sa resulta ng perio. sana pasado. hehe.
Trigonometry. alam ko na bagsak talaga ako sa perio.halos wala naman kasi akong sinagot dun eh.hehe. di ko talaga maintindihan to. bsta math, nawawalan ako ng pag-asa.tsktsk.
Computer.isa pa to. di ko alam kng may patutunguhan grades ko dito. di ko nga alam kng saan na kami dito eh. magpeperio kame.practical.di ko alam kng ano gagawin. nung last meeting namen, may ginawa kami sa microsoft access. di ko ata na-save ung gawa ko. lagot.hehe.
Geometry.my oral quiz kami bukas.sana makasagot ako. ok naman scores ng short quizzes ko. pero sa long test, walang-wala.haiii.
Arts.wala pa ata akong napapasang gawa dito ngayong 3rd grading.ahaii.
PE.ok naman ata practical quizzes ko dito. sa basketball lang walang kwenta dahil di naman ako marunong nun. sa volleyball, sakto lang. buti marunong pa ko ng onti.hehe.
Music.di ko dn alam kng ano balak ng teacher namen dito. ung ibang section, gitara pero kami, piano. madaya. mas ayos pa ang gitara dahil dun kahit papano naman ay may alam ako.
Filipino.di ko maintindihan ang noli. haii. whatever.
nako. antamad ko pa rin pala. haiii.
kakagising ko pa lang, as in kakalabas ko pa lang sa kwarto, sira na agad araw ko.
nakakabadtrip talaga. kaya minsan ang sarap mandeadma ng todo-todo eh. haiiii.tsktsk.
anyways,
Happy Birthday to MICHAEL ARON SY!andami pa lang may birthday ngayong december.
bukas, may pasok na naman. yey! pero mas masaya siguro kung absent lahat ng teachers. yey!
Saturday, December 02, 2006
twilight
kakapanood ko lang ng video ng waltz(yey.no.1 ulet).un pa lang ata ung 2nd time na napanood ko un. antagal na nung una at netong mga nakaraang araw, lagi akong kinukulet ni jeff at sinasabi niyang gayang-gaya niya na si champ habang nakanta ng waltz. akala ko nanttrip at nang-aasar lang si jeff pero nung napanood ko ung video, na-realize ko na gayang-gaya nga niya si champ. natatawa ako pag naaalala ko hitsura ni jeff. haha! pero ang galing niya manggaya in fairness naman.
total/tutal(panget pero ganyan naman pronounciation db?hehe) naman, napag usapan na ang waltz, tuloy ko na ang pagco2mment.
answerte nung babae. di nya na nga kelangan umarte, natitigan niya pa si champ. siguro sobrang conscious si champ nun. hehe. aun. wala lang.
nung una kong napakinggan sa radyo ung waltz, naisip ko agad na literal na tungkol sa waltz ung kanta. pero d naman pala. hanggang ngayon, di ko pren alam kng baket waltz ang title nun. bakit nga ba?
may album na pala ako ng hale. dati pa ko nakabili nun.october 16.hehe. biglaan lang pagbili ko dun. lunes pa nun. kasama ko si poi. kaming dalawa lang.sa SM Sucat kami pumunta. un ung first time na pumunta ako sa mall na isang hindi-ko-kamag-anak ang kasama ko.un din ung first time na pumunta ako sa mall after regular classes at naka-uniform pa.un din ung first time na pumunta ako sa mall para lang sa CD kaya memorable talaga. nakakainis pa ung bakla dun. kasi dahil pang-ilang beses ko lang atang pumunta sa SM Sucat, wala akong kaalam-alam dun kaya kung saan-saan na kami ni poi nakarating.hehe.naisipan naming magtanong. at ang tinuro samen dun daw sa may loob ng 'hypermarket' meron bilihan ng cds. edi punta naman kami. tapos ung sa baggage counter, may bakla(katabi lang nun ung sinasabi na nung pinagtanungan namen na bilihan ng cds) edi nilapag namen bag namen eh si poi paalis na agad wala ung number(kung ano man tawag dun) tapos sabi ba naman nung bakla, "o! ung number!" tapos antaray ng hitsura! takte. sarap suntukin nung pagmumuka nya eh! tapos edi pumasok na kmi ni poi eh sandali lang kami kasi wala namang cd ng hale dun eh. labas agad kami tapos nung kukunin na namen ung mga gamit namen, sabi ulit ng bakla "o, ano ginawa nyo dun?!" tapos antaray talaga. grabe! as in ewan ko ba.sarap talaga sapakin! nako talaga! kung di lang kami naka-uniform, babarahin ko un. kainis talaga! anyways, un nga. edi badtrip na badtrip kami ni poi pero kinalimutan na muna namin un pansamantala dahil di namin alam kng saan pupunta. naisipan nameng bumaba kasi sa taas lang kami nglibot at andun naman pala ung odyssey.aun. nakabili nako.yey!happy ending.hehe. kumain pa kami ni poi nung waffle ng waffle time. ansarap. hehe.
after ng adventure namen, umuwi na agad kami ni poi. an hour or less lang kami sa mall. napakagaling. hehe.
kay
Poi, salamat sa pagsama! babalikan dn naten ung baklang un! leche siya. hehe.
ung favorite ko sa bagong album nila ay
Shooting Star at
Empty Tears, Empty Heart. nkakainlab.
napadpad ako sa blog ni Raymond at nabasa ko ung wishlist nya. naisip ko na dapat gumagawa na din ako para kng may plano man ung mga nakakabasa nito na regaluhan ako, may idea sila. hahaha!heto na..
1. mga bagong album ng opm bands tulad ng
Imago, Spongecola, at kung sino2 pa man.bsta opm.pero kung ok lang, coldplay na ren.tska pala ung kami nAPO muna. kahit ano dyan baka ibigay lahat yan eh.pero ok lang kng ganun.haha!
2.mp3 player o iPod.kahit ano sa dalawa.haha!
3.digicam.super saya nako dito!
4.cellphone.kung pwede, N90.pro ayos na ung 6600 o 6680.hehe.bsta maganda ung cam.
5.hindi ko alam kng may nabibili nun pero kng wala man, mag-burn ka na lang ng lahat ng
soundtrack ng grey's anatomy at one tree hill.
6.DVD set den ng
CSI las vegas season 7.bsta ung pinakarecent na season. kung mayaman ka, original set nun from season 1 hanggang 7.hehe.tska ng season 3 ng
Grey's Anatomy at season 1 and 2 ng
One Tree Hill. and lahat ng season ng
Smallville and
Friends.ung sa friends, kht ung vcd na lang na nabibili sa astrovision ata un.hehehe. tska ung
CSI new york and
CSImiami den. simula season 1.hehe.
7.mug na super laki at super cute!!!as in super laki talaga ah at cute!
8.chicken soup for teenage soul. o bsta inspirational books.
9.libro ni
Sidney Sheldon.10.cheek tint ng body shop.
11.cute na shoulder bag.
12.pabango.bsta mabango ah!hekhek.
13.cute na tsinelas.
14.testi!
hmm..ano pa ba?un lang naiisip ko sa ngayon eh.hehe.dadagdagan ko na lang pag may naisip pa kong iba..hehe..salamat sa magbibigay!haha!
grabe..pasko na naman...haiii...
DECEMBER 1halos wala akong ginawa buong araw. naglista lang ako ng mga theorem at postulate para naman may pumasok sa utak ko pagdating sa geom kahit papano.hehe.after nun,naginternet ako. hanggang 5 ata tapos naligo nako.umalis kami.pumunta kami ATC para magdiwang kasi nga anniv ng parents ko the day before.di kasi kami nakapagcelebrate dahil
[1]may pasok parents ko.
[2]late na dumating nanay ko nung kinagabihan. so un nga. sa DADS kami kumain.buffet kaya napakadami kong nakain.masarap naman ung mga pagkain though may ibang hinde.hehe.pero nakakabusog.sobra. aun.after nun, umuwi na kami.haiii.
birthday din pala to ni
Sydney Arboladura. Happy Birthday Tol!DECEMBER 2sabado pa lang pala ngayon. akala ko linggo na.may lakad mga classmates ko.halos lahat ata sila. may meetings sa english, health, at religion at ung iba magbabando tska pupunta kila syd. awww. di ako kasama dahil wala naman akong kagroup dun.haha!sa english kasi, ako leader(nako!) at wala pa kong napplano dahil napakadami ko pang inaasikaso(as if.haha!) tulad na lang nung religion na dapat ay by group pero unfortunately, mag-isa lang akong MIP ang parish. wow. andaming nagsabi na sumama na lang ako sa ibang group pero naisip ko na siyempre parish ung pinag-uusapan. wala lang. hehe.tska challenge din saken un.ako lang mag-isa. goodluck saken.pero ngayon, parang napapaisip ako na sana sinunod ko sila.hehe.pero ayos lang den.at least ako lang mag-isa madadamay in case wala akong magawa. ung sa health naman, ewan ko.wala akong balita sa leader namen.di nga ako sure kung anong group ako eh. kasi naman.ang korni eh.hehe. meron din pala kaming play sa filipino. ahai..di ko dn alam kng sino mga kgroup ko dun at ano na plano namen sa buhay.bahala na.wala naman plano ang lahat eh.hehe.grabe naman.antoxic.
sayang di ko siya makikita ngayon.tutugtog pa man den sila.tska ilang araw ko na siyang di nakikita.aawww.pero wag muna un. religion muna. mamaya, pupunta ako sa parish namen.di ko alam kng may magagawa ako dahil hindi ko alam kng pano at saan magsisimula.kasama ko si ate jenna.gusto nya man o hinde dahil isusumbong ko siya kay dad pag di nya ko sinamahan.haha!
haii.
Goodluck saken! Aja! hehe.