Wednesday, December 20, 2006
napakahusay!
haii. grabe. napakasaya ng lunes at martes ko. hekhek.
DECEMBER 18last day ng intrams. aww. champion kami A-Z. yey! my laban dn kami sa table tennis, kalaban lorenzo, panalo. right after nung game na un, ezmo naman kinalaban namen,talo. :( pero ayos lang. enjoy pa din. aion. medyo matagal-tagal dn nameng inabangan game namen sa volleyball, championship kalaban 4th yr-st. mark tapos after 48 yrs, laban na. panalo kami! yey! champion! pro feel ko ambobo ko maglaro. hekhek. haiii. whatever, bsta panalo. napakahusay! after naman nung game na un, pahinga mode sandali tapos nood kami basketball girls, talo. pero ayos lang dn. hehe. nung uwian na, pumunta kami sa starmall. bumili kami ng pagkain(ako, yvette at jervis) nakalimutan ko tawag dun eh pero bsta parang rice in a box siya. sobrang nakakatakam siya pag tinitingnan mo habang niluluto pero nung kinain ko na, di ko malasahan ung chicken. sana beef tapa na lang pinili ko.hehe. d ko maubus-ubos dahil nakakaumay talaga. kinonsensiya pa ko ng mga kasama ko(jervis, yvette at jm) dahil masama dw di ubusin ang pagkain. hehe. nahirapan dn ung dalawang ubusin un pero naubos nila at di ko alam kng pano nila nagawa un. haha! nang-asar pa sila, di daw makapaniwalang di ko maubos ung pagkain! aba naman o! hehe. pgkatapos nun, umuwi na kami. hihi.
DECEMBER 19Christmas party. napakaaga kong gumising para makapunta ng maaga sa skul, atat kasi akong makita ng isang tao dyan eh. wahahahaha! kapal eh! pero kinailangan kong bumili ng mga candies sa 7-11 para sa prizes. aion. napakatagal ko na dun! hehe. mga 6:15 ako nakadating sa school. b4 pa ko makadating dun, may na-experience pa kong kakaiba. langya kasi mga tao ngayon eh.hehe
1. dun malapit sa public school sa may plaza, bsta super dami silang mga high school students ata pero naka-civilian sila tapos nagtatakbuhan at nagbabatuhan ng mga bato talaga. katakot nga eh. langya. pero aun. buhay pa naman ako. hehe.
2.ung bahay dun sa likod nung palengke, nasusunog. akala ko nga may artista lang eh kasi andaming nagtatakbuhan papalapit pa sa sunog ah! pero nung pagbaba ko, as in nakita ko talagang nasusunog ung bahay. siyempre di na ko tumitig ng napakatagal dun, medyo lang.haha! pagdaan ko ng simbahan, pumasok na agad ako ng school.
ok naman ung party, ang sarap nung nuggets at shanghai at cake at baked mac. hehe. tska ang kulet nung game na iinumin ung softdrinks pro butas ung straw.hehe. sakit sa lalamunan. nyahaha! after nung party, pumunta kami kila francis sa cavite. may na-experience na namen kaming kakaiba,
3. may 3 batang sumakay sa jip, binigyan nila bunso ng candies tapos pinapababa na sila nung driver pero ayaw pa din bumaba, kung ano2 na pinaggagagawa nila dun! pinagdiskitahan pa ung regalo ni faye na unan(from bunso) tapos bsta, katakot eh! aion, tinigil nung driver ung jip tapos kunwari papaluin sila kaya bumaba sila tapos may pahabol pa, nambato ba naman! langya! sarap kaladkarin eh! hahaha! sama eh!
after 48 yrs, nakarating na kami sa citta italia. ang tahimik dun tska napakalayo nilakad namen.hehe.pagdating dun kila francis, nakita namen ung kapatid nya na sobrang cute! aion. naglaro sila ng tennis pero siyempre di sa court. laro2 lang talaga. tapos meron pang isang laruan dun, nakatali ung tennis ball tapos pag tinira mo, babalik sayo.hehe. bsta un na un! napakasayang laruin! dalawang beses pa ngang sumabit un sa kable ng kuryente eh. haha! una, ako ung my sala tapos nachambahan ni macryn nang batuhin nya ng kanyang sapatos tapos pangalawang beses, si yvette. antagal nila bago mapabalik ung bola. haha! hitsura nga nila jervis, macryn at mami dun eh! wahahaha! tapos si rodney, haha! parang palayok lang hahampasin eh! aion. ankulet talaga! haiii. enjoy! grabe dn maghanda ung nanay ni francis, as in handa kung handa eh! ansarap nung pancit tska nung inihaw! hekhek. aion. past 5 na kami umalis, actually late na nga un eh kasi ang haba pa ng lalakbayin namen. hehe. tapos may isa na naman kakatakot na nangyari,
4. habang nagiintay kami ng jip, merong nagsapakan na lang bigla dun sa likod namen! di naman as in sapakan pero malapet na. haha! tumigil naman agad sila, buti naman.
enjoy talaga ung araw na un(kagabi, kahit andaming nakakatakot na nagyari.hehe) as in todo talaga! hehe. salamat sa mga kasama ko!
bakasyon na naman, nakakamiss. sana intrams ulet. hehe. next yr, start na ng 4th grading. parang ambilis ng oras, magbabakasyon na agad. haiii. kung kelan naman enjoy ang buhay dun napakabilis ng oras. tama ba un?! agaw trip eh! hehe.
magpapasko na.
sa mga nakakabasa neto,
Merry Christmas! God Bless!