Sunday, December 17, 2006
one hell of a week
wow. isang linggong walang update. busy kasi eh.(kunware).masaya tong linggong to. eto ang mga nangyari.
DECEMBER 11periodical test namen sa religion at chemistry. sa religion, 40 items. todo hula lang kaya goodluck sa resulta.hehe. sa chem naman, di ko nasagutan lahat. pro sana naman pasado ako.
nag-mcdo kame after ng test. ang gara na ng mcdo pamplona. mas gusto ko pren ung dati kasi ung ngayon, sobrang sikip. pano ba naman kasi, 8 ata o higit pa kami sa iisang table lang. mas convenient(ha?) pa din ung dati kahit simple lang. after nameng magpakahirap kumain sa mcdo, pumunta kami starmall, sa may Finds. hehe. ang kukulet ng mga andun. cute nung mga damit pero siyempre hanggang tingin lang kami. hehe.
DECEMBER 12filipino at english ang test. di ako nagbasa ng noli. hehe. kamusta na kaya test ko dun? sa english naman, kung ano matandaan ko, un na un. hehe. nalaman ko na resulta sa english, masaya naman.hehe.
DECEMBER 13last day ng perio. geom. huwaw! aun. bara-bara, bagsak tuloy. hihihi. pumunta kami sa bahay nila francis after. mga jobap. para maglaro at tumambay at kung ano2 pa. napakasaya nung araw na un. super. pahapyaw kong napanood ung hostel. taena, ang brutal! kaya d na namen tinapos at nagsiuwian na kami.hehe.
DECEMBER 14halos walang klase. nataranta lang kami sa geom. hehe. recording time na naman kasi ng SW, AS, at Qs. tarantang tae na naman ako. tensionado pero sana di ako nagkamali. langya. halos wala talaga kaming ginawa. nag-usap lang tungkol sa christmas party at sa intrams at kung ano2 pa kaya masaya.
DECEMBER 15first day ng intrams. woohoo! ung parade, aun. ayos naman kahit mainit. after nun, kanya2 na kami. panalo kami table tennis, maxi kalaban. panalo din kami against lorenzo. panalo din kami volleyball against thomas. napakasayang mag table tennis at naadik na naman dun mga kklase kong lalaki. panalo din sila jervis sa badminton. sobrang kangarag tong araw na to. pero napakasaya paren.
DECEMBER 16di mxadong maganda tanghali ko. hehe. pero after nun, naayos dn at masaya na ulet. hapon laban namen sa volleyball, kalaban enzo. panalo. yey! nag A-Z din pala kami. d ko alam kng ano balita dun. hehe. nakalaban naman namen ezmo sa table tennis, talo. sayang. pero double elimination naman daw kaya sana may pag-asa pa. nung pag-uwi ko, brownout at napakahaba ng pila sa sakayan ng tricycle sa labasan. kamusta naman un? di ako nag-special pero sobrang natakot ako kasi sobrang dilim kaya ng lalakaran ko. brown out nga kasi. buti na lang may mga bata, ung mga kalaro ko dati(mga nasa elementary pa dn karamihan.hehe) na naglakas loob pang gumala-gala dun sa kalsada kaya di naman ako nag-iisa. hehe. sobrang init nung pagdating ko tapos pagod na pagod pa ko kaya nakakabadtrip. 9 pa daw magkakakuryente. langya. edi hintay naman ako. nahiga lang ako hanggang 9:30, naghihintay ng ilaw at sa wakas, nagkaron dn. agad kong chinarge ang cp ko at ngtxt ng onte. mga importante lang. di ko natapos ung PDA, pero feel ko si yeng panalo dun.hehe. aion. nag-internet ako sandali at natulog na. paggising ko naman kanina, sobrang saket ng katawan ko. grabe. hehe. birthday dn ng nanay ko ngayon!
DECEMBER 17kaarawan ng pinakamamahal kong nanay. to
Mamang, Happy Birthday! You're the BEST!Happy Birthday din sa 'Pambansang Kamao' ng Pilipinas, Manny "Pacman" Pacquiao! (pauso talaga ng mga pinoy o!)
pupunta dn ako mamaya sa sm, kasama si tatie para mamili ng regalo. hai nako. di ko alam kng ano2 mga bibilhin ko. bahala na! haha!