Saturday, December 02, 2006
twilight
kakapanood ko lang ng video ng waltz(yey.no.1 ulet).un pa lang ata ung 2nd time na napanood ko un. antagal na nung una at netong mga nakaraang araw, lagi akong kinukulet ni jeff at sinasabi niyang gayang-gaya niya na si champ habang nakanta ng waltz. akala ko nanttrip at nang-aasar lang si jeff pero nung napanood ko ung video, na-realize ko na gayang-gaya nga niya si champ. natatawa ako pag naaalala ko hitsura ni jeff. haha! pero ang galing niya manggaya in fairness naman.
total/tutal(panget pero ganyan naman pronounciation db?hehe) naman, napag usapan na ang waltz, tuloy ko na ang pagco2mment.
answerte nung babae. di nya na nga kelangan umarte, natitigan niya pa si champ. siguro sobrang conscious si champ nun. hehe. aun. wala lang.
nung una kong napakinggan sa radyo ung waltz, naisip ko agad na literal na tungkol sa waltz ung kanta. pero d naman pala. hanggang ngayon, di ko pren alam kng baket waltz ang title nun. bakit nga ba?
may album na pala ako ng hale. dati pa ko nakabili nun.october 16.hehe. biglaan lang pagbili ko dun. lunes pa nun. kasama ko si poi. kaming dalawa lang.sa SM Sucat kami pumunta. un ung first time na pumunta ako sa mall na isang hindi-ko-kamag-anak ang kasama ko.un din ung first time na pumunta ako sa mall after regular classes at naka-uniform pa.un din ung first time na pumunta ako sa mall para lang sa CD kaya memorable talaga. nakakainis pa ung bakla dun. kasi dahil pang-ilang beses ko lang atang pumunta sa SM Sucat, wala akong kaalam-alam dun kaya kung saan-saan na kami ni poi nakarating.hehe.naisipan naming magtanong. at ang tinuro samen dun daw sa may loob ng 'hypermarket' meron bilihan ng cds. edi punta naman kami. tapos ung sa baggage counter, may bakla(katabi lang nun ung sinasabi na nung pinagtanungan namen na bilihan ng cds) edi nilapag namen bag namen eh si poi paalis na agad wala ung number(kung ano man tawag dun) tapos sabi ba naman nung bakla, "o! ung number!" tapos antaray ng hitsura! takte. sarap suntukin nung pagmumuka nya eh! tapos edi pumasok na kmi ni poi eh sandali lang kami kasi wala namang cd ng hale dun eh. labas agad kami tapos nung kukunin na namen ung mga gamit namen, sabi ulit ng bakla "o, ano ginawa nyo dun?!" tapos antaray talaga. grabe! as in ewan ko ba.sarap talaga sapakin! nako talaga! kung di lang kami naka-uniform, babarahin ko un. kainis talaga! anyways, un nga. edi badtrip na badtrip kami ni poi pero kinalimutan na muna namin un pansamantala dahil di namin alam kng saan pupunta. naisipan nameng bumaba kasi sa taas lang kami nglibot at andun naman pala ung odyssey.aun. nakabili nako.yey!happy ending.hehe. kumain pa kami ni poi nung waffle ng waffle time. ansarap. hehe.
after ng adventure namen, umuwi na agad kami ni poi. an hour or less lang kami sa mall. napakagaling. hehe.
kay
Poi, salamat sa pagsama! babalikan dn naten ung baklang un! leche siya. hehe.
ung favorite ko sa bagong album nila ay
Shooting Star at
Empty Tears, Empty Heart. nkakainlab.