Monday, January 29, 2007
grabe
wala nako masyadong maalala sa nagdaang week. simula friday lang ang naaalala ko ng lubusan. lolz. pumunta kami la salle para manood ng quiz bee. wala lang. epal lang ako. haha. anlufet nila raymond shappit at rian aragon (congrats mga tol!). 2nd place sila. yabang! lolz. sayang nga lang dahil di ko napanood mga pangyayari nung teacher's day. huhu. madaya. past 2 na ata kami nakabalik sa school. dumeretso agad kami sa bahay nila andeng
(Happy Birthday Andeng!). soooper badtrip ako nun pero simula nung naglaro ako ng pool, nawala inis ko. grabe. sooper enjoy. haha. kaya aun, alas otso na kami nagsiuwian. di kasi ako nagpaalam eh kaya kinailangan ko na talaga umuwi dahil anong oras pa ko makakauwi. hehe. bertedey ni ate jenna nung sabado(jan.27)
Happy Birthday biatch! nagrocery kami sa sm tapos pagbalik namen, naghanda na sila hanggang sa dumating mga bisita ni ate. nasa kwarto lang ako the whole time. nasimulan ko na rin ang prison break sa wakas! grabe. sooper astiiig! in love na naman ako kay scofield. lolz. alas tres nako nakatulog nun. gosh. ginising ako ng mga kapatid ko ng 12 pm dahil ako lang at si ma maiiwan. tulog pa si ma nun kaya ako ginising nila. nag-ayos ako sandali ng bahay at agad-agad na pinagpatuloy ang prison break. grabe. astig talaga. past 9 ko natapos ang season 1. next saturday, season 2 naman. ayokong simulan un ng weekday dahil mabibitin. haha.
ngayong lunes naman, hai nako. walang kwenta. soooobra. grr.
Friday, January 26, 2007
early morning
2:15 am pa lang ay gising nako(january 26) at ngayon ay 3:47 na. nagreresearch ako ngayon ng prayer for teachers. dapat talaga ay gagawa ako pero madaming bumabagabag sa aking pag-iisip kaya wala ng pumapasok dito. siryoso. nakakaiyak nga eh. sobrang nakakainis kasi talaga. minsan pala, maganda din pag problemado ka. nagigising ka kung kailan mo nanaisin. lolz. kuhaan ng card nung wednesday. ayos naman grades ko pero nagsibabaan lahat. pero top 1 pa din. parehas kami ni precious. nakakahiya dahil epal pa name ko. lolz. kahapon naman, malungkot ang hapon ko pero nung pumunta kami sa sm sucat at kila tatie, happy na ulet ako. yey. nu naman kaya mangyayari sa araw ko ngayon? hmmm. sana matuloy ang aking plano. bwahahaha. hehe. kinakabahan tuloy ako. hai. good luck sa'kin. this is it. lolz. kakalabas lang ni ate rose(aming napakabuting kasamabahay) ng kwarto at super gulat na gulat ako. akala ko bukas na third eye ko. lolz. wala lang. na-share lang. kakaibang experience din un. hehe.
natapos na din pala sa wakas ang grabeng speech choir namen sa english. 2nd place kami(3 groups un.hehe)
masaya din ang geom kahapon. yey.wala lang. lolz.
Wednesday, January 17, 2007
naman
sobrang lungkot ko talaga ngayon. huhu. naiiyak tuloy ako. lol. ang gara talaga. pramis.
"kagabi pa yang 'ang gara' na yan ah, sa gm mo."-neen
Sunday, January 14, 2007
hwanep na linggo
matagal-tagal na naman akong di nakapag-update. hehe. eto ang mga nangyari.
JANUARY 5
nag-meet kami nila raymond, iris, grace, keith sa school.napagdesisyunan namen puntahan si karen solis at isama sa school. andun ate nya. grabe. antaray. katakot nga eh. pero pinayagan naman si karen. pagbalik namen sa school, aun. type2. nakakahiya pala talaga hitsura ko sa yearbook. takte. haha.so un nga, hanggang sa mag-5 pm na, umuwi na kami pero kumain muna kami sa mcdo. nakapag-cokefloat na naman ako. yey. nakakaadik talaga un. hehe. anlamig sa mcdo. super. napakakwentuhan kaming magkakasama sandali tapos umuwi na kami. hehe.
JANUARY 6
saturday. ordinaryong araw. internet lang buong araw. tsktsk. alas-tres nako nakatulog neto. kuya ko kasi, pinagawa pa ko ng slide whatever para sa profile nya. takte. hindi ko naman masave2 dahil ngcclose ung window pg kiniclick ko ung save. badtrip talaga un.
JANUARY 7
mga 7:30 ata ako ginising ng ate ko. sobrang ayaw ko pa nga bumangon nun eh dahil antok na antok pa ko pero siyempre, papagalitan ako ng nanay ko kaya bumangon din ako. pupunta kasi kami sa sementeryo. nung pagdating namen dun sa forest park, aba! may nililibing pa dun sa as in katabi lang ng puntod ng auntie ko. hehe. kaya nag-park kami sa medyo malayo2 dun kasi madaming tao tapos after mag-alisan ng mga tao, nilapit na ung kotse. nagkita2 na naman ang rubios. haha. halos every week na lang kasi kami nagkikita kaya lalong sumasaya. haha. nag-baseball kami. laruan lang un. pero super saya. grabe. habang tumatakbo ako dun tawa ako ng tawa. after nun, kainan na. ang yummy nung mango torte na binili ni ate janice. pagkatapos magpakabusog, picture taking na naman siyempre di mawawala un. haha. tapos kwento2. nagkkwentuhan ung iba kong pinsan tska ung pamangkin ko na galing states. grabe. di na lang ako nagsasalita eh. haha. nakikitawa lang ako. kuya ko kasi lakas trip eh. so aun. hanggang sa mag-uwian na. hindi nga kami(ate janice,ate jenna, ako,) nakapagbbye sa mga pamangkin namen at pinsan ng maayos eh(balik states kasi sila kinabukasan) kasi nung nag-stop over ung ibang kotse sa gas station, nalampasan namen. ate ko kasi eh. un pala, dun pa lang pormal na magpapaalam mga pamangkin namen. tsktsk. so aun. dumeretso na kami tapos nag-drivethru kami sa mcdo. cokefloat ulet. yey! yummy. tapos nag-simba kami after. pagdating sa bahay, grabe ang hahapdi ng mga balat namen. dun ko lang napansin na nangitim ako. tska kaya pala ang hapdi ng muka ko. haha. sunburn dahil sa baseball. hehe. tapos nung tumingin ako sa mirror, nakita ko ung diperensya nung natatakpan ng sleeve ng damit ko sa hindi natatakpan. super itim! haha. grabe talaga. haii. nag-ayos na din ako ng gamit ko nun kasi pasukan na naman.
JANUARY 8
hindi ako maaga pumasok. mga 2 minutes na lang siguro before mag-bell ako dumating. hindi kasi ako excited, ayoko po nga pumasok eh. alam ko na kasi mangyayari. at hindi nga ako nabigo. tulad ng inaasahan ko, disappointing ang pagbabalik ng klase. ung uwian lang ang naaalala ko ng sobra. hehe. may pinakita samen si bunso sa cp nya, mga pictures na puno ng kababalaghan. ang galing nga eh. parang ung mga nakikita ko lang sa SFOGS nun, nung adik pa ko dun. haha. naglakad kami simula school hanggang pulanglupa. labasan kasi ng municipal. grr. kapagod. nakakainis talaga ung araw na to eh. kaya wala pa atang 8 nun o 8 pa lang, tulog nako. hehe.
JANUARY 9
tuesday. ang galing ni jervis nung araw na to. haha. wala lang. the best talaga ung lecheng un. ng-mcdo kaming mga fruitylicious. haha. biglaan lang un. iba kasi talaga ang plano pero na-cancel dahil sa mga taong pa-spexal. tsktsk. pinilit kong di mabadtrip. buti na lang. ang galing ko. haha. sa mcdo, grabe. antahimik namen habang kumakain pero pagtapos, dun na kame nagsaya. yey. nanlibre din si jianna na nasa ibang table, kasama si pianne, ng mcflurry. nakadalawang cokefloat pala ako. haha. yey. super sarap. enjoy talaga. anong petsa na tuloy kami nakauwi. hihi.
JANUARY 10
halos wala kaming ginawa buong araw. kung may lesson man, di din ako nakinig. ang pangit kasi sa pwesto ko. hehe. nag-mcdo ulit kami nung uwian. hehe. cokefloat na naman. grabe. ang sarap talaga. kwentuhan na naman kaming magkakasama. haha. adeek!
JANUARY 11
hindi kami nakapag-mcdo nung araw na to eh. hehe. busy kasi ung iba. lecheng chem kasi yan eh. nag-bangsak din kami nung uwian. katakot. haha.
JANUARY 12.
eto na ung sa play sa chem na hindi namen napaghandaan. puro adlib lang. haha. pero nung nagpperform ung 1st group, may aksidenteng nangyari sa koridor. may hawak kasing tako si nyle, tapos may nahulog si jervis. di ko alam kng ano eh tapos pag-ikot nya, tumama ung dulo nung tako sa super malapit sa mata nya. aun. pumunta si jervis sa clinic pati si ms. kaya natigil ung play. hanggang sa magbell na, wala pa din si ms. nung pagbalik nya, sabi nya dadalhin daw si jervis sa perpetual tapos blahblah. nagdasal kami para kay jervis tska para din kay ms. alvarez na nasa ICU dn. hinintay ko sila kuya sa school kasi manonood kami pyro. ang aga namen sa blu wave. hehe. kaya todo tambay lang kami dun. hanggang alas otso, bigla na lang my fireworks dun. aun. simula na. may magaganda pero ung iba, parang ordinaryo lang. hehe. after nung first, andun lang kami sa may kotse para hintayin ung 2nd. di ko alam kng anong mga bansa un eh. hehe. aun. fudtrip. ang kuya ko kasi, may dala pang mga peanut butter, chiswis,nusica tska cream cheese tapos tinapay at mga chichirya. tska mga tubig. haha. akala nya ata bbyahe kami patungong bicol. so aun. hanggang my fireworks ulet. parang nung una lang. pero prang mas maganda un eh. hehe. after nun, tambay kami sa loob ng bluwave tapos hanggang sa natripan na naman umuwi. hehe. mga 1 na ata kami nakauwi. natulog agad ako kasi kelangan kong gumising ng maaga.
JANUARY 13
maaga ako nagising.mga 6:30 tapos umalis ng 7:30.nagpraktis kami para sa English namen.halos wala kaming nagawa.tangina kasi eh.bt ako pa lider.so un nga.whatever na ung praktis tapos uwian na!yey! mga atat kasi bumisita kay jervis eh.hehe.pumunta muna kami sa sm pero saglit lang kami.bumili lang ako ng cookies para kay jervis.pumunta na kami sa perpetual agad.grabe.andami namen.28 ata kami nun.kasama pa si mrs.navarro, bale 29.ung iba saglit lang dun at aba, ung iba naka-isa pa kay jevis!madadaya sila!haha!so un nga,ung mga naiwan, kami2 nila tatie,peng,yvette,andeng,iris,neen,rodney at miguel.tapos maya2 lamang,pagbukas ng pinto ay nagulantang kami sa aming nakita.haha.kaya aun.di ako nakaalis sa tabi ni jervis.haha.joke.dumating din sila jm,leo at francis pero anong petsa na un.tsktsk.after nila umalis, kumain kami nila neen,andeng,yvette at tatie sa mcdo.cokefloat na naman!yummy.tapos pagbalik namen,sila miguel at rodney na lang andun kasi ano. wala lng. haha.after ilang minutes, umuwi na din kami.mga 9 na ko nakarating sa bahay. Yey.aun. nakakapagod pala ang sabado ko.haha.na-move din pala ung sa English.sa Friday na lang daw. Yey.
Thursday, January 04, 2007
2006
nagbloghopping ako at napansin na madaming nag-post tungkol sa mga experience nila nung taong 2006. at eto ako ngayon, makikigaya. hihihihi.
JANUARYnakakabaliw tong buwan na to. sobrang disappointing ang pagbabalik ng pasukan. langya. continuation din to nung intrams. every dismissal ginaganap. super korni pero ok lang.hehe. nakakawindang ung laban ng second year(st.anthony) and first year(st.vincent) dahil may nakablock sa palo ni kevin. ppffft! haha! pero panalo pa din sila kevin. hihi. the best din laban ng third year(ezmo) at fourth year(peter). grabe. galing talaga. panalo peter. so aun. nung kalagitnaan ng buwan na to, nakakaloko(literal), nakakagago pero nagpadala naman ako. haha. pumunta din si jolo sa school nung 27, friday. di nga lang kami nakapag-usap mxado. tanga ko kasi eh. haha. birthday din ni ate jenna nung araw na un pero wala naman siya sa bahay hanggang gabing-gabi na. boring...hihi.
FEBRUARYmay nalaman ako. natuwa na medyo disappointed. pero masaya talagang malaman mo ung ganun. after 2 years. haha. secret na lang un. medyo nagulo utak ko sa mga panahon na to. secret na lang ulit un. haha. hhhmmm. di na nagparamdam ang isang tao dyan. kaya aun. bsta. hehe. nung valentine's day, aun. wala akong maxadong maalala. haha.
MARCHsiryoso na.(secret) hmmm. may mga oras nun na sobrang di ko alam kung anong gagawin sa buhay ko. haha. aun. napasabak. kala ko ok na lahat di pala. hihi. start ng bakasyon. nag-outing kaming st.jerome sa cavite. enjoy naman. ang sarap nung puto. haha!
APRILhhmmm. nag-outing kaming tropa sa cavite ulet. kasama si jec na kakauwi from london. enjoy dahil sarap ng mga pagkain tska siyempre, magkakasama ulit kami. nung 4, wala lang. haha. umuwi din ata kami sa bicol nung buwan na to. holy week siguro un. kelan ba holy week nun? hehe. ewan. bsta umuwi kami sa bicol. neto din ata nung nalaman kong C.E. ako. dahil sa tardiness. pakshet.
MAYnakakawalang gana ung buwan na to. haii. birthday ni ate janice at late na din siya umuwi nun. wala nakong masyadong maalala. bsta ang alam ko, korni talaga neto. haha.
JUNEpasukan na naman. shet. 3rd yr nako, C.E. pa. napakahusay. st.john the baptist section ko. tahimik na naman ako siyempre nung first day. intro2. kakornihan..blahblah. kumain pa kami sa mcdo kabihasnan nung lunch. masuka-suka nako nun sa kabusugan at kaba. tae kasi. classmate ko ung taong sobrang kinaiinisan ko sa lahat, si ........ bwahahaha! aun. binalak kong lumipat sa ibang section dahil si ms. tolen nagtatanong pero di dn natuloy dahil sakto lang ata kami at whatever. buti na lang. hehe. birthday ko din pala nung 10. di ko na maalala kng ano ginawa namen nun eh. hehe.
JULYmedyo naaaliw na ko sa section ko dahil mahuhusay ung boys namen(i mean active sa recitation and everything) nakakabilib nga eh dahil sa girls, as in walang nagpapakabibo. hehe. laging napupuri ang mga lalaki at aun. blahblah. nung month ata nato, simula kong naging seatmate si macryn. aun. lagi kaming nagkkwentuhan tungkol kay....hihi(lande ba!) aun. siya nga tapos napaisip ako tapos ewan ko kung july nga un pero nagkausap ata ult kame. pero wala dn un. deadma pa din ako. haha. sama. nung month din ata na to nangyari nung nagluto kami sa bahay nila francis. dun namen simulang tinawag si ish na "mangga" dahil napakahusay niyang maghiwa nun. haha. dun din kami nagsimulang maging close ni Poi(ish).
AUGUSTeto ang pamatay, ung sinulog. grabe. todo practice kami dun. pero sobrang enjoy. magandang experience. thrice na ata kami nag-usap ng masinsinan ni ano... bwahahaha. medyo magkaayos na kami. :D august 30 ata ung presentation namen sa sinulog.grabe costume namen dun.haha.pero ipinagmamalaki kong sabihin na nanalo kami laban sa seniors! grabe talaga. ang saya2 ko nun! hehe. eto din ung buwan na umalis si meggy patungong australia. iyak ako ng iyak nung pumunta kami sa bahay nila. huhuhu. tae kasi un eh. binigay niya sa kin ung unan na pink na korteng buto. ang cute!
SEPTEMBERnung 1, fieldtrip namen. ang masaya lang dun ay ung sa falls. grabe. sobrang nakakapagod ung pag-akyat dun. langya. pero enjoy naman eh. hihi. ang kokorni na nung iba nameng pinuntahan kaya wag na un. hehe. hhmmmm. nung araw din na un, secret ulet. bsta masaya. hihi. nung 4 naman, feastday namen. ayos naman. dun nabuo ang FG/B. nag-forum kasi kami after nung feastday tapos nung pinaalis na kami ni mang vic sa school ay tumuloy sa bahay nila nicole at may naexperience pa kaming, i mean sila(ung nakakita) na nakakatakot dun. aun. siyempre. nagkatakutan na kaya nagsiuwian na kami. haha. dun na din nagsimula ung sunud-sunod na araw na sobrang horror ang na-experience namen lalo na ung mga nakakaramdam at nakakakita(buti na lang manhid ako.haha.) family day din pala namen nung 24 ata. todo practice kami nun para sa pagsayaw namen na muka talaga akong tanga. nakakahiya. haha. pero ok lang. enjoy naman ung practices eh. magkaayos na talaga kami ni jm nung mga panahon na un. hehe. birthday nya din nung 6 kasabay si macryn. di ko pala siya nabati ng maayos nun. hihi. masaya pala september ko. un pa man din pinaka-hate kong month.haha.
OCTOBERwala akong masyadong maalala dito. bsta ang naalala ko lang ay ung reco namen na sobrang enjoy talaga! super! kahit sa school lang. haha. pero honestly, napakasaya talaga nun! as in!! hihi. neto din ata nung kay milenyo? ah basta kung kelanman un pakshet talaga un! isang linggo kaming walang kuryente! hai nako. nakiplantsa pa ko ng blouse kila janine meneses. haha! thanks janine!
NOVEMBERano bang meron neto? eto ata ung month na sumayaw kami nung may mass. grabe un. kawindang! hiyang-hiya ako. taena! pero ayos lang. haha. wala dn akong mxadong maalala. hehe.eto din ata ung month kung kelan ako first time sumama kila jm sa bando.(first and last pa din so far) hekhek. tapos pagbalik namen sa school, may nangyari pang kinainis ng lahat tapos nagkayayaan somewhere tapos nanlibre pa ng gulaman whatever si jm. nyahahaha! aun. ang saya nung araw na un eh.. as in! haha. wala lang. start din ata neto ung doppsa. wala lang. haha. champion pala volleyball girls and boys ng elem at girls ng h.s. at runner up ung boys. congrats sa kanila!
DECEMBEReto ang the best talaga! masaya nung 5 ata un. harhar. shet talaga. kinikilig ako. bwahahaha! nung araw dn na un nalaman kong 71 ata ako sa computer nun. puta. napangiti na lang ako nung sinabi sa kin ni jeff un eh(wala kasi ako sa computer lab nung inannounce un kasi nasa classroom ako at ayokong pumunta dun, sabi naman kasi ni sir pwedeng sa classroom mag-stay o sa lab. napangiti pala ako kasi siyempre bagsak ako ibig sabihin mababa grades ko.haha.yoko ng iexplain un.pero narealize ko dn na papatayin ako ng mga magulang ko pag nalaman nilang bagsak ako).hihi. kaya agad kong sinabihan si jervis na samahan ako sa lab sa lunch para kausapin si sir. kabado ako nun. nung lunch, pumunta nga kami tapos aun. pinahanap sakin ni sir ung perio ko sa computer na ginamit ko nung ng-practical test kami. aun. naayos naman. whew! periodical din nun.napakasaya nung last day ng periodical. takte! tumambay kasi kami nun kila francis. aun. wala lang. haha. kinabukasan, practice para sa parade(intrams kasi kinabukasan) aun. after nun, adviser na namen makakasama namen for the rest of the day. pinag-usapan namen ung sa intrams at xmas party at blahblah sa wakas! intrams na! whoohoo! sobrang un talaga pinakaiintay ko sa buong school year! hehe. enjoy talaga un! di ko na ikkwento buong detalye dahil aabutin pa ko nag siyam2 dito but the bottom line is, masaya ang intrams ko! champion kasi kmi sa A-Z at volleyball.yey! umiyak din pala ako nung 2nd day ng intrams. may nakaaway kasi ako eh. wahaha! aun.sa xmas party naman, super enjoy naman din lalo na ung after nung party! un un eh! hehe. pumunta kami kila francis, sa citta italia na pagkalayo2 at aun. ang saya nung tennis na laruan dun! hehe. tapos bsta. enjoy un! hehe. ilang beses din kami pumunta ni tatie sa mall na kaming dalawa lang though sandali nameng nakasama si leo. haha. nung nung 3rd time, ATC na at kasama na namen si ish. sobrang enjoy un! napanood ko din ung kasal,kasali,kasalo. haha. kulet talaga ni juday! kaya idol ng ate ko un eh! haha. hhhmmm. nung pasko naman, un nga. sa bicol naganap un. nung 30, namatay tito ko. actually kakaalis lang kanina ng mom ko papuntang bicol para sa libing ng tito ko. 31, sa bluroze farm kami tumuloy at nakwento ko na sa previous post ko nangyari dun. hehe. ang saya talaga.
o_0
haii. dami palang masasayang nangyari nung 2006. grabe! kaya sobrang salamat sa mga taong nagpasaya neto. sa tropa ko, fg/b, sa classmates ko, kay meggy, sa close friends ko, sa family ko, sa rubios and dimaanos, at kay juan. hihi. sana patuloy akong ibless ni God with people who can make my life more worth living. aww. haha. drama!
ngayong 2007 naman, bagong yugto na naman ng aking buhay. haha. sana maenjoy ko din to tulad ng o mas higit pa sa 2006. :D
pasukan na naman. shet. di pa ko nakakagawa ng assignment sa ap. tska madami pa dapat akong ayusin. kamusta naman un?! hai nako. nakakainis nga naman talaga o! T_T
Wednesday, January 03, 2007
New Year's Resolution
meron nakong naisip na iilang new year's resolution. sana magawa ko. argh!
1. bawasan ang pakikipag-away sa iba dyan(ates, kuya,hhmmm)hehe.
2. prevent the use of profanity as much as possible. lol. prevent lang eh noh?
3. improve self-control? hehe.
4. be more patient.
5. be more respectful.
6. be less indecisive.
8. quit being impulsive. lol.
9. stop freaking out. hihi.
can't be explained further. nyahaha!
10. be happy with what I have and what I don't have.
11. learn to keep my words, otherwise just learn how to shut up.
12. be less indolent.
13. be more productive. lol.
14. be more faithful and confident. aww.
15. be less dramatic.
16. be more understanding and considerate.
17. eat less.
18. pray harder.
19. think over things which make sense rather than the exact opposite.
20. keep laughing like hell when I feel like it.
21. love more deeply.(friends,fam,......)
22. make more friends.
23. be more approachable and friendly.
24. learn how to be talkative. lol.
25. be more responsible.
26. study harder. washu!
27. learn how to save money, otherwise
28. learn how to spend them wisely.
29. learn how to live life to the fullest everyday!
30. STOP BEING DEMANDING. most requested resolution. haha.
and a whole lot more!
dami ko palang malalagay. kala ko isa lang eh.hehe. oh well, sana magawa ko lahat yan.haii.
masaya ang pagkakacelebrate ng new year ko. nag-reunion ang pamilya Rubio. sa Bluroze Farms ginanap un.
sounds familiar, isip ko ng marinig kong sinabi ng ate ko kung san kami magre-reunion. nung naandun na kami, feel ko talagang nakita ko na ung lugar na un, hanggang sa naglibot kami dun at nakarating kami dun sa maze. "waah! dito kami nag-field trip nung gr.6!" sabi ko sa ate ko dahil naalala ko ang lahat nung nakita ko ung maze. hehe. sabi na. ang saya. namiss ko tuloy ung buhay gr.6 nung mga oras na un. lol. actually si jolo unang pumasok sa utak ko eh. haha! anyways, aun. andaming pwedeng gawin dun. maghabol ng mga ibon na hindi lumilipad,lol. hhmmm. paglaruan ung napakadaming makahiya plants dun, umakyat sa nakakatakot dahil mataas na tanke, magpahangin dun at magpakahilo sa taas, pagmasdan ung mga ibong cute at hindi cute, nagkukutuhang unggoy at titigan ang paniking hindi ko nakitang lumipad na akala ko'y saging lamang siyang nakasabit dun. hihi.magmala-survivor dun sa may playground na nahulog pa ko, antanga-tanga at nakakahiya.lol at magpagod sa kakalakad. nagvolleyball din kami ng mga pinsan ko. grabe. pinagpawisan ata ako dahil sa kakapupulot ng bola, imbis na sa paglalaro. hehe. pero masaya. todo halakhak na naman ako dun. grabe. the best talaga ang pagtawa. enjoy! ang cheer pa ng kalaban namen, "ho!ho!ho! merry christmas!" bwahahaha! yan tuloy. natatawa na naman ako. haha! di nga lang ako makahalakhak dahil mag-isa na lang akong gising dito. hehe. grabe talaga un. everytime na gaganun sila, tatawa muna ako ng malakas. kulet kasi ng mga boses. santa claus talaga!nyahahahaha! aun. panalo kami. haha! ang cheer nmn namen, "go go go go go go.....(hanggang sa magsawa.hehe) nag games din pala kami. unang game, panalo team namen, ang Kalinga Orange! haha! ang ibang team naman ay ung Blue Eagles, Kalinga Planters(green team), at Pink Panthers ata un. haha! ung second game, talo kami eh. napakagulo kasi nun kaya di ko na ikkwento. lol. after nun, pagod na agad kaming lahat. haha. pahinga sandali tapos nag-jamming mga tito ko at sila kuya at pinsan ko. tapos aun. napapasayaw ung iba hanggang sa parang kotilyon(d ko alam spelling eh.lol) na ginagawa nila dun. siyempre nakisali ako. lol. grabe. di namen maayos-ayos. kukulet ng mga magulang ko at tito eh! tawa na naman ako ng tawa nun. as in. mangiyak-ngiyak nako. tapos after nun, nag-7up kami. tawa na naman ako ng tawa nun. langya. sakit ng tiyan ko. lol. haii. after namen magsaya, kainan na! hihi. aun. sarap ng menudo! hehe. tapos. aun. ano ba ginawa ko after nun? aun. kung ano2 na. hhhmmmm... mali ata sequencing ko ah? lol. taeng yan. bobo ko talaga ever magkwento! hihi. anyways, ganun pa din un. lol. nung maggagabi na. pinalabas nila dad ung mga videos na matatagal na, mga pics and everything. grabe. todong kahihiyan dinulot ko dun. pnlay kasi ni dad ung very first video ata na naandun ako. ibig sabihin, first time ko din makakita ng video cam nun. taena. muka akong tanga. as in todo habol ako sa video cam! nakakahiya talaga un. aun. ung mga pics naman na matagal na din, sobrang nakakatawa dn! as in! hahaha! sayang nga lang di ko malalagay dito ung pic ng dalawa kong pinsan na as in ang kulit talaga ng hitsura nila! nyahahaha! para kasing pang-horror movie hitsura nila(natatawa na naman ako.langya kasi eh!) sa sementeryo pa man din un! bwahahahaha! sayang talaga di ko masshare dito ung pics kasi sa uncle ko un eh at wala kaming kopya. aun. ilang oras kami tawa ng tawa dhl sa mga un. hanggang sa magttwelve na. yey! mag nnew year na! ginising na nila ung mga pamangkin ko at ibang pinsan at ang buong angkan at sabay2 nag countdown..3..2..1..happy new year! hehe. talon talon. sabay dive para kumuha ng pinagbabatong coins at chocolate coins at money chocolates(mukang pera kasi.hehe) na kinarir ko masyado ang pagkuha dahil ansarap kaya nun! lol. aun. after nun, may pa turnover2 ceremony pang naganap dun. ung mga eldest kasi nag-organize nung reunion na un. at sa next reunion naman, ung mga 2nd na. hehe. swerte ko. pang-apat pa ko. lol. aun. gift-giving and whatever. after nun at halos tulog na naman ang lahat, nagswimming kami ng iilan kong pinsan. grabe! napakalamig ng tubeg! sobrang nangangatog nako dun! aun. halos di din ako nakalangoy dahil andun lang ako sa may hagdan kung san may warm na tubig na umaagos. hihi. tapos aun. ahon.ligo.kain ng spaghetti.soundtrip tapos nakatulog nako(mga 4 am na un.) tapos ginising ako ng 7 am ata. langya. bitin na bitin tulog ko! hehe. nagligpit na kami ng mga gamit nun at pumunta sa malapit sa volleyball-an(di naman kasi siya court eh.hehe.pero may net na napakahaba!) aun. tatay ko nag-aya mgvolleyball. napalaro tuloy kami ng di oras. hehe. talo team namen. sayang. pero enjoy. tawa na naman ako ng tawa, as usual.hehe. sabi nga ng pinsan ko nangingibabaw daw halakhak ko sa malayo eh. lol. ganun talaga ang buhay. after nun, kain sandali tapos nag-games na naman. ung sa the boat is sinking, tawa na naman ako ng tawa! grabe! kala ko di enjoy un eh. pano ba naman kasi, iwanan talaga sa ere! bwahaha! hitsura nga namen dun eh! haiii. saya! tapos after nun, egg catching naman. well well well, panalo na naman kami. ang sarap nung premyo. samba!kalahati nga ata nun ako kumain eh. lol. so aun. after nun, ung pasahan ng bola na pag hinintuan ka nung kanta, tanggal ka. siyempre nagpakamartyr na kaming teens and adults for the kids. awww.lol. tapos ang kulit pa, pag ambabagal nung mga bata kumilos(pagpasa ng bola) nagiging mabagal din ung kanta. hahahaha! ang kulet. slow mo eh! tawanan na naman! haii. at aun. natapos dn ung games. haii. after nun, mga ilang minuto, nagligpit na kami at nagpaalam sa isa't isa at umalis na. dumaan muna kami sa bahay ng uncle ko para idaan ung tita ko. sandali lang kami dun at umalis na kami. sa may MIP kami dumaan, di ko naman nakitang sunog eh(di lang talaga siguro kita) pero napabalita kasing sunog daw un. tae. ang ganda2 pa man din ung simbahan na un. proud na proud nga ako dun eh! tapos nasunog dahil lang sa kwitis?! kamusta naman un?! tsktsk. sa wakas, nakauwi na kami. nag-linis kami agad ng bahay. nag-ayos pala. lol. pinilit ko ng maglinis kahit tinatamad ako at gusto ng matulog para di nako bulabugin ng mga kapatid ko at ng konsensya ko.lol. kaya aun. after maglinis, natulog agad ako at muling nagising ng 7pm dahil ginising ako ng nanay ko. magsisimba daw kami.aun. late kami sa mass. tsktsk.umuwi agad kami at nagpuyat na naman ako.tsktsk. pag-gising ko, 12 noon na. nag-internet ata agad ako nun eh. hanggang gabi na. hehe.pasaway. tapos naligo.kumaen.nanood ng tv at kung ano2 pa. at eto ult ako ngayon, nagpupuyat.
haiii. new year na! welcome 2007. sana masaya ka. lol
sa lahat,
Happy New Year! God Bless!
Tuesday, January 02, 2007
bad news
on the 30th of December 2006 at 8:45 pm, my uncle Carlito died. husband siya ng eldest sister ng mom ko. parang nung christmas lang, kinukulit pa niya sila ate habang nagppoker. seizure daw eh. thrice pa nga ata. ung last, nawala na talaga. unfortunately, si ma lang makakapunta sa libing. magpplane na nga lang ata si ma eh. ang gara talaga. simula dec.1, naisip ko na talaga na either may masamang mangyayari nung month na un. hinintay ko talaga. inabangan pero umasang wala na dahil mag-eend na ung december nun eh. pero meron pa rin pala. every december kasi for the past several years, may masamang balita lagi. last year, ung kapatid ng bestfriend ng kuya ko, namatay din. naaksidente sila on their way to Tagaytay. tapos ung kay FPJ(di man kami close nun[lol] pero apektado buong bansa) december din un db?. tapos aun. bsta. weird. hindi pa makakauwi ung eldest son nila dahil kakarating lang sa Saudi at wala pa siyang isang buwan dun. aun. gara talaga. bahala si God sa lahat. and may my uncle's soul rest in peace.