Wednesday, January 03, 2007
hello 2007
masaya ang pagkakacelebrate ng new year ko. nag-reunion ang pamilya Rubio. sa Bluroze Farms ginanap un.
sounds familiar, isip ko ng marinig kong sinabi ng ate ko kung san kami magre-reunion. nung naandun na kami, feel ko talagang nakita ko na ung lugar na un, hanggang sa naglibot kami dun at nakarating kami dun sa maze. "waah! dito kami nag-field trip nung gr.6!" sabi ko sa ate ko dahil naalala ko ang lahat nung nakita ko ung maze. hehe. sabi na. ang saya. namiss ko tuloy ung buhay gr.6 nung mga oras na un. lol. actually si jolo unang pumasok sa utak ko eh. haha! anyways, aun. andaming pwedeng gawin dun. maghabol ng mga ibon na hindi lumilipad,lol. hhmmm. paglaruan ung napakadaming makahiya plants dun, umakyat sa nakakatakot dahil mataas na tanke, magpahangin dun at magpakahilo sa taas, pagmasdan ung mga ibong cute at hindi cute, nagkukutuhang unggoy at titigan ang paniking hindi ko nakitang lumipad na akala ko'y saging lamang siyang nakasabit dun. hihi.magmala-survivor dun sa may playground na nahulog pa ko, antanga-tanga at nakakahiya.lol at magpagod sa kakalakad. nagvolleyball din kami ng mga pinsan ko. grabe. pinagpawisan ata ako dahil sa kakapupulot ng bola, imbis na sa paglalaro. hehe. pero masaya. todo halakhak na naman ako dun. grabe. the best talaga ang pagtawa. enjoy! ang cheer pa ng kalaban namen, "ho!ho!ho! merry christmas!" bwahahaha! yan tuloy. natatawa na naman ako. haha! di nga lang ako makahalakhak dahil mag-isa na lang akong gising dito. hehe. grabe talaga un. everytime na gaganun sila, tatawa muna ako ng malakas. kulet kasi ng mga boses. santa claus talaga!nyahahahaha! aun. panalo kami. haha! ang cheer nmn namen, "go go go go go go.....(hanggang sa magsawa.hehe) nag games din pala kami. unang game, panalo team namen, ang Kalinga Orange! haha! ang ibang team naman ay ung Blue Eagles, Kalinga Planters(green team), at Pink Panthers ata un. haha! ung second game, talo kami eh. napakagulo kasi nun kaya di ko na ikkwento. lol. after nun, pagod na agad kaming lahat. haha. pahinga sandali tapos nag-jamming mga tito ko at sila kuya at pinsan ko. tapos aun. napapasayaw ung iba hanggang sa parang kotilyon(d ko alam spelling eh.lol) na ginagawa nila dun. siyempre nakisali ako. lol. grabe. di namen maayos-ayos. kukulet ng mga magulang ko at tito eh! tawa na naman ako ng tawa nun. as in. mangiyak-ngiyak nako. tapos after nun, nag-7up kami. tawa na naman ako ng tawa nun. langya. sakit ng tiyan ko. lol. haii. after namen magsaya, kainan na! hihi. aun. sarap ng menudo! hehe. tapos. aun. ano ba ginawa ko after nun? aun. kung ano2 na. hhhmmmm... mali ata sequencing ko ah? lol. taeng yan. bobo ko talaga ever magkwento! hihi. anyways, ganun pa din un. lol. nung maggagabi na. pinalabas nila dad ung mga videos na matatagal na, mga pics and everything. grabe. todong kahihiyan dinulot ko dun. pnlay kasi ni dad ung very first video ata na naandun ako. ibig sabihin, first time ko din makakita ng video cam nun. taena. muka akong tanga. as in todo habol ako sa video cam! nakakahiya talaga un. aun. ung mga pics naman na matagal na din, sobrang nakakatawa dn! as in! hahaha! sayang nga lang di ko malalagay dito ung pic ng dalawa kong pinsan na as in ang kulit talaga ng hitsura nila! nyahahaha! para kasing pang-horror movie hitsura nila(natatawa na naman ako.langya kasi eh!) sa sementeryo pa man din un! bwahahahaha! sayang talaga di ko masshare dito ung pics kasi sa uncle ko un eh at wala kaming kopya. aun. ilang oras kami tawa ng tawa dhl sa mga un. hanggang sa magttwelve na. yey! mag nnew year na! ginising na nila ung mga pamangkin ko at ibang pinsan at ang buong angkan at sabay2 nag countdown..3..2..1..happy new year! hehe. talon talon. sabay dive para kumuha ng pinagbabatong coins at chocolate coins at money chocolates(mukang pera kasi.hehe) na kinarir ko masyado ang pagkuha dahil ansarap kaya nun! lol. aun. after nun, may pa turnover2 ceremony pang naganap dun. ung mga eldest kasi nag-organize nung reunion na un. at sa next reunion naman, ung mga 2nd na. hehe. swerte ko. pang-apat pa ko. lol. aun. gift-giving and whatever. after nun at halos tulog na naman ang lahat, nagswimming kami ng iilan kong pinsan. grabe! napakalamig ng tubeg! sobrang nangangatog nako dun! aun. halos di din ako nakalangoy dahil andun lang ako sa may hagdan kung san may warm na tubig na umaagos. hihi. tapos aun. ahon.ligo.kain ng spaghetti.soundtrip tapos nakatulog nako(mga 4 am na un.) tapos ginising ako ng 7 am ata. langya. bitin na bitin tulog ko! hehe. nagligpit na kami ng mga gamit nun at pumunta sa malapit sa volleyball-an(di naman kasi siya court eh.hehe.pero may net na napakahaba!) aun. tatay ko nag-aya mgvolleyball. napalaro tuloy kami ng di oras. hehe. talo team namen. sayang. pero enjoy. tawa na naman ako ng tawa, as usual.hehe. sabi nga ng pinsan ko nangingibabaw daw halakhak ko sa malayo eh. lol. ganun talaga ang buhay. after nun, kain sandali tapos nag-games na naman. ung sa the boat is sinking, tawa na naman ako ng tawa! grabe! kala ko di enjoy un eh. pano ba naman kasi, iwanan talaga sa ere! bwahaha! hitsura nga namen dun eh! haiii. saya! tapos after nun, egg catching naman. well well well, panalo na naman kami. ang sarap nung premyo. samba!kalahati nga ata nun ako kumain eh. lol. so aun. after nun, ung pasahan ng bola na pag hinintuan ka nung kanta, tanggal ka. siyempre nagpakamartyr na kaming teens and adults for the kids. awww.lol. tapos ang kulit pa, pag ambabagal nung mga bata kumilos(pagpasa ng bola) nagiging mabagal din ung kanta. hahahaha! ang kulet. slow mo eh! tawanan na naman! haii. at aun. natapos dn ung games. haii. after nun, mga ilang minuto, nagligpit na kami at nagpaalam sa isa't isa at umalis na. dumaan muna kami sa bahay ng uncle ko para idaan ung tita ko. sandali lang kami dun at umalis na kami. sa may MIP kami dumaan, di ko naman nakitang sunog eh(di lang talaga siguro kita) pero napabalita kasing sunog daw un. tae. ang ganda2 pa man din ung simbahan na un. proud na proud nga ako dun eh! tapos nasunog dahil lang sa kwitis?! kamusta naman un?! tsktsk. sa wakas, nakauwi na kami. nag-linis kami agad ng bahay. nag-ayos pala. lol. pinilit ko ng maglinis kahit tinatamad ako at gusto ng matulog para di nako bulabugin ng mga kapatid ko at ng konsensya ko.lol. kaya aun. after maglinis, natulog agad ako at muling nagising ng 7pm dahil ginising ako ng nanay ko. magsisimba daw kami.aun. late kami sa mass. tsktsk.umuwi agad kami at nagpuyat na naman ako.tsktsk. pag-gising ko, 12 noon na. nag-internet ata agad ako nun eh. hanggang gabi na. hehe.pasaway. tapos naligo.kumaen.nanood ng tv at kung ano2 pa. at eto ult ako ngayon, nagpupuyat.
haiii. new year na! welcome 2007. sana masaya ka. lol
sa lahat,
Happy New Year! God Bless!