Tuesday, March 20, 2007
school year 2006-2007
3rd year life is officially over. hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung masaya ba ako o malungkot. hindi tuloy ako nae-excite. hehe. pero nung last day, hindi ako naiyak pero naluha lang, nung nagba-bye ako kay mrs. navarro. sobra kasing pasasalamat ko sa kanya dahil sa mabuti nyang pagtrato sa section namen, ang St. John the Baptist. hindi ako umiyak dahil naiyak ko na un dito sa bahay. hehe. tska magkikita-kita pa din naman kami eh. un nga lang di na sa iisang classroom. sobrang nakakalungkot talaga dahil napakasaya ng buhay 3rd year. lalo na kung isa kang baptista(haha). kakaiba talaga ang section ko netong 3rd year. ipinagmamalaki ko ang jobap. madami kasing talentado samen. haha. mayabang ang dating pero totoo.
may mga banda, sila jeff at emerz na drummers. sila kevin, neen, jm, miguel at madami pang mga gitarista slash bahista. sila peng at iris na vocalists, idagdag mo pa si clarence na composer din. may grupo din ng dancers, sila kevin, aron, emerz at francis. may malulupit din mag-drawing at lettering at kung ano pa man na sila kevin, chester at alyssa. may magaling na aktres din na gumanap bilang esmeralda ng hunchback of notre dame nung broadway, si daphne. may dalawa ding miyembro ng boys choir samen, sila errol at darwin. at madami pang iba. haha.
madami din komedyante pero siguro sa lahat naman ng klase di nawawala un. hehe.
na-enjoy ko talaga ang school year na to kaya salamat sa mga classmates ko. hindi ko na kailangan itago ang pagka-vain ko dito dahil pare-parehas lang kami lalo na ang mga girls. as in walang hiya-hiya. pag may camera, magmimistulan tong magnet dahil maglalapitan na lahat ng babae. hehe. nakakatuwa tlaga silang lahat. grabe. kung pwede sana, sila pa din classmates ko next school year. haii nako.
madami akong mamimiss. sooper. ie-enumerate ko na lang. hehe. mamimiss ko ung
1. pakikipag-unahan namin kay mrs. navarro tuwing umaga para kunin ung mga nakatagong gamit namen na naka-paper bag pa sa likod ng blackboard, sa likod o gilid ng cabinet, sa gilid ng blackboard, sa mga drawers at kung saan saan pa(pero hindi nya alam na inuunahan namin siya. hehe) tapos pag malapit na siya as in kumakaripas talaga kami ng takbo. tapos hingal na hingal pa kaming lahat. wow. exciting.
2. blackboard na napakaganda. grabe un. pag sinusulatan, walang nababasa. kaya madalas badtrip ang mga teachers eh. hehe. hanggang sa na-discover ni sir manzano ang magic chalk. pero isa-saw saw lang naman un sa tubig eh tapos pag sinulat mo sa blackboard, wala mxadong mababasa pro after 30 seconds, *ta-da!* sooper linaw na. haha. ang astig talaga nun. un nga lang, sasakit ng sobra ang braso mo kakabura nun dahil sooper hirap.
hehe.
3. grabehang asaran ng lahat. ung barahan at tablahan na sobrang nakakatawa. hahahaha. naaalala ko na naman tuloy ung mga un.
4. upuan ko na sobrang baba na halos lahat ata ng nakaupo na dun ay sinasabi un. hehe. tapos lagi pa un tumutunog na akala mo eh masisira na pag umuupo ako pero nasanay na din kasi ako eh. aww.
5.bulletin board na ginawang kalendaryo dun sa tabi ko na may mga names nung birthday celebrants o minsan, nung mga may monthsary pa. haha.
6. palakasan ng tawa nameng magkkklase lalo na kami nila poi, macryn,yvette, at halos lahat ng magkakatabi dun sa isang tabi.
7.pagpila namen after recess in the morning pag tuesday dahil geom after. grabeng ayos namin pag ganun.
8.sobrang pagkataranta namen sa geom pag may assignments. madami pa samin ung maaga pumasok pag mahahaba ang assignments eh.hehe. nagkukumpul-kumpol pa kami dun sa may hagdan ng diamond building. hehe. hanggang sa classroom taranta pa din lahat. meron pa kasi mga pahabol na kopyahan eh. hehe. tska ung automatic na pagpasa ng booklets, notebook at libro at ilalagay dun sa may bintana. haii.
9. pagkopya ng given at pagsagot ng sudoku na kapag monday hanggang wednesday ko lang nasasagutan. may times pa nun na kapag walang teacher, sooper busy ang lahat kakasagot ng sudoku pero pag sobrang dami namang ginagawa, busy ang lahat kakahanap at kakatanong kung sino na ang may sagot. haha. pero usually pag thursday at friday, ung ang kopyahan day dahil mahirap kasi. ewan ko. ganun ako eh. haha.
10. pagddrama ng lahat ng teachers kapag nakikita nila kami gumagawa ng sudoku o ng geom. hindi ko alam kng bakit pero obviously, prang priority ng lahat ang geom. sino nga naman ang di magtatampo dun. grabe sila mag-react pag nakita nila kaming may hawak na graphing paper at pencil eh. gets na kasi nila agad un. =)
11. mga sermon ni mrs. de vera. hindi ko alam kung nananadya siya pero may times na as in pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa classroom, ni hindi pa nga namin siya nababati, nagsesermon na agad siya. siguro nga nakakainis kami dahil pag pasok nya pa lang ay inaantok na ang hitsura namin pro sinusulit lang naman talaga namin ang oras na wala siya sa classroom eh kaysa naman sa habang naglelesson siya ay dun kami natutulog(pro kahit anong mangyari la pa din nakikinig eh)
12. mga drama din ni sir manzano tska ung pag-lock nya ng computers na ikinababadtrip ng lahat. haha.
13. pagsabi ni mrs. mendoza ng "that's why" na sobrang nakakatawa. naalala ko nga isang beses, binilang namin ni dhecka un. wala akong tigil sa pagtawa nun eh. pag sinasabi nya matatawa ako tapos medyo titigil na ko pro pag sinabi nya ulit, matatawa na naman ako. hindi ko alam pero pag pinapansin talaga, nakakatawa. hahaha. lagpas 15 o 20 pa nga ata ang that's why nya nun. bsta madami talaga. minsan meron pang "ok class, that's why" eh wala pa nga siyang sinasabi before nun. haha. nakakamiss talaga. aliw na aliw din ako dito sa teacher na to. nakakatawa mga banat nya at ung pag-deliver nya nun. minsan din, nakakatawa lang talaga siya magsalita. ung pgasabi nya nga lang nun ng "ramon" tawang tawa nako eh. as in. luhang-luha na ko nun kakatawa. ang kulet kasi. haiii.
14. arts time at music time na parang recess lang. hehe. la ako natutunan sa arts. never kasi ako nakinig dun eh. =)
15. ung mga programs pag may okasyon tulad ng teacher's day, birthday nung teacher, valentine's day at kung ano2 pa. hindi kasi mawawala dun ang showdown ng grupo nila kevin at nila jep. haha. o kaya ung mga imbento nilang sayaw. tska ung mga pagkanta din nila. haii nako. takte.
16. ung jamming nung mga boys sa isang sulok tapos bigla na lang mag-iingay tapos ang gwapo pa ni jm. =) haha.
17. pagsuot ng lab gown at lab goggles na soooper init.
18. un nga..sooper pictorial pag may camera. hehe.
19.mga pausong trip pag paakyat ng hagdan. mapa- taasan ng palda, hawakan ng ano(secrettt.haha), kilitian, tanggalan ng sapatos at patayan. hehe. juk lang. tulakan lang naman pababa ng hagdan. haha. juk.
20. ung laro namen pag p.e. time! aww. ung catch the tail/ fox and chicks o kung ano man tawag dun na ang galing galing ni alyssa. whoohoo! lagi tuloy kami panalo nun. haha. grabehan un dahil aakalain mong punit na damit mo pagkatapos. pero soooper enjoy naman eh. nakakatawa dahil may mga nadadapa, may makikita ka nalang bigla na mga panyo at suklay na nagkalat dun sa lapag, may gumugulong na akala mo eh tumalon mula sa umaandar na kotse(pang action movie nga eh. haha) tska ung mga may nagkakadaganan pa. weee!
21.pagpalit namen ng uniform sa classroom pagkagaling sa sportsfield tapos dun mag-aasaran at magbabatuhan ng comments sa mga naging hitsura namen habang naglalaro. haha.
22. mga pausong words tulad ng jabar. tska na rin ung mga code names. haha. bsta madami un. =)
23. pagkanta at pag-sayaw ni mrs. navarro pag nagkklase siya. hehe. ung pagkanta ng the last leaf. haha. never kong na-memorize un.
24. mga pausong laro tulad nung bang!-patay, ung pinaghalong bato-bato pik at ketchup, ketchup tska pitik bulag na nakakalito pero sila jervis at jm lang ata nakalaro ko nun eh. hehe.
25. trigo na kunwari ay naiintindihan naming lahat pero pag dating sa test puro 3,2,1 o 0 ang scores. miski sa perio eh. haha.
26. religion na minsan nakakalimutan pa nung iba na kunin ung mga libro nila sa cabinet eh bawal pa man din iwan un at mahal na mahal pa man din ng teacher namen ang r.o.s.. tsktsk.
27. reporting sa ap. at pakikinig na din at ung lessons na ewan ko ba. interesado naman ako sa subject pero nakakaantok talaga eh. hehe. tska ung quizzes na hindi nawawalan ng current events siyempre tapos habang nagre-review kami before nung test at nagbibigayan kami ng balita, hinihinaan lang namin mga boses namen dahil baka daw baguhin ni ms. carpio ung tanong pag narinig nyang pinag-uusapan namen un. hahaha. na kadalasan ay kahit di nya naririnig ay di pa din lumalabas sa test ung mga alam naming balita. haha. malas lang talaga.
28. ung classroom mismo na sooper sa tuktok pa ng diamond building na ang hirap abutin. sabeh eh. i mean nakakapagod kasi umakyat ng hagdan db?! hehe.
29. ung prayers, "St. John the Baptist, pray for us!"
30. at siyempre, ang mismong mga myembro ng klaseng san juan de bautista. sila alyssa(the tail catcher.hehe), neen(mrs.s), andeng(butterscotch), nadz(sarce), tatie(puffmint), dhecka(chamyto), yin(flatops), chantelle(fruitella), daph(milkyway), mindy(mooncake), poi(kiamoy), elaine(choco kisses), nicole(mhamie), precious(top1), april(bunxo), iris(slurpee), yvette(moochie), demae(taro ice), jovi(tilapia's peyborit), lence(otap), janel(ms.gulaman), cheng(yaepiee), jessa(the video maker.haha), peng(empi), darwin, tres, syd, emerz, leo, jepi, duma, prancis, jaybier, jervis, nyle, rod, ed, chester, aron, ceril, miguel, errol, jm at si mrs. navarro.
sa inyong 44, maraming salamat sa pagiging parte ng buhay 3rd yr ko. naks. andrama. haha. salamat sa ligaya. saludo ako sa inyong lahat. mahal na mahal ko kayo. =) mwwwaahhh!
sobrang madami pa akong mamimiss. pero sa sooper dami, nakalimutan ko na. haha. =)
may part 2 pa to. haha
Thursday, March 15, 2007
makapag-post lang
natripan ko lang mag-post. ang lungkot kasi. last day na bukas. ayoko muna magdrama ngayon. baka next week na lang. hahaha. ang gara talaga. 14 pala kahapon. March 14. ang saya ko. hahaha. wala lang. mamimiss ko jobap. aww. haha.