The Real Deal
Monday, April 16, 2007
ang jobap

nung june 4 ata o something, tumawag sakin si empi peng(classmate ko for 6 school years, including third year,pinakamatagal). sinabi niya sakin na st.john the baptist ang aking section. nung second year ako, ito ung ayaw kong mapuntahan na section kasi parang ang ano lang. pero nung narinig ko ang balita, siyempre wala naman ako magagawa pwera na lang kung kulang ang iba pang section. nagbanggit si peng ng ilang names ng classmates namen, ung iba nakakagulat, may parang di ko feel, may masaya din naman, tska ung iba, di ko kilala at isa ang nakakabanas pero noon lang un. hehe. so di ko alam kung maeexcite ako dun pero sigurado ako, kinabahan ako.


first day na.
dun ako dumeretso sa may malapit sa ust dahil dun ang tambayan namen nila elaine(bestfriend na nasa australia na ngayon). so puro best section mga kasama ko dun. hehe. nang biglang dumating si jervis(di ko masyadong ka-close noon na soooper na ngayon). ang alam ko jobap siya pero tinanong ko pa din siya. jobap nga daw. hindi ko alam kung sino nagtanong pero napunta ang usapan sa C.E. parehas kaming C.E. dahil sa aming not-so-punctual attitude. haha. in short, late. ang naaalala kong dumating pa nun ay si tatie. jobap din siya. tatlo na kami. yey. ang next na naaalala ko ay ung pila na. dun kami nakapila sa tabi ng padre diego cera hall, sa may gate. habang nakapila kami, nakikipagkwentuhan ako kung kanino man. tuwang-tuwa pa ko nang biglang pumasok ng gate si jm. awww. sabay simangot. haha. siya noon ung kinababanasan(tama ba?) ko. hmft. badtrip. but then again, life goes on. hahaha. hindi pa si mrs. navarro ang kasama namen nun sa classroom dahil sa aksidente na nangyari sa kanya so may sub, si ms. delos santos. di ko na maalala mga pinagagagawa samen. sa mcdo kami nag-lunch. kaming tropa. so kamustahan tapos grabe. wala akong gana nun kumain at sukang-suka na ko. pero buhay pa naman ako. sa wakas, natapos ang first day!


second day.
absent ako dahil masama pakiramdam ko at SUPER di ko feel pumasok. kaya sigurado sumama pakiramdam ko. mwahaha. nabalitaan ko na lang na absent din si ano. grr. naisip ko nun na sana pumasok ako. siya lang naman dahilan kung bt ayoko pumasok eh. haha.


wala na akong maalala sa mga sumunod na araw eh. haha. balak ko pa man din isa-isahin hanggang lastday. tsk.


nang tumagal, sobrang nagustuhan ko na ang jobap. nakakatawa kasi sila. haha.


sa unang seating arrangement namen, andun ako sa tabi ng teacher's table. hmft. ang korni kaya di masyadong exciting ung moments nun. nung nag-palitan na, andun nako sa may left(pag nakatayo sa harap at nakatingin sa mga estudyante) corner ng classroom, sa pinakalikod. actually si sydney tapos ako tapos si macryn. grabe ung mga panahon na un. kahit kasumpa-sumpa init sa pwestong un. walang araw na hindi kami nagwala ni macryn kakatawa. sobrang saya ng kwentuhan lalo na pag dating sa lablayp. wahaha. exciting! pero dumating ung panahon na kelangan na namang lumipat ng pwesto. napadpad ako sa kabilang dulo naman ng classroom. pinakalikod pa din, tabi ng pinto. medyo sad dun dahil wala akong katabi sa left ko. pero ok lang din dahil si yvette ang nasa right ko. sumunod na place ko ay ung nasa harap lang nun(fumorward lang kami.haha) tapos after ay nag-move lang ng dalawa to the right. haha. gulo eh. katabi ko si jep nun kaya dumalas pagkbadtrip ko nun. haha. tska ang pagtawa din naman. ung huli kong pwesto, dun naman ako sa pinakaunahan pero pinakadulo pa din to the right. whehe. tabi pa din ng pintuan. hmft. katabi ko sa right ko si sisa(janel), si iris sa likod. nakakabaliw ung mga panahong un. si janel ba naman katabi ko eh. grabe. lagi akong tumatawa nun. as in. miss ko na tuloy un. aww. tska lagi din ako humihingi ng sky flakes kay iris. lagi kasi un nakain ehh. haha. kaya salamat. medyo badtrip nga lang sa place kong un dahil siguro madalas ako nakikita ni ms. tolen pag nakatayo siya sa likod o nakaupo kaya ako lging unang pinag-eexplain pag may sinasagutang assignments sa board na gawa ng iba ko namang classmate. grabehan un eh. grr. aun. sa seating arrangement pa lang yan.



nung mga first week ng eskwela, hindi ako nag-iiwan ng libro. ung mga pwede lang. pero nung dumating si mrs. navarro, inobserbahan ko muna kung gaano siya kabilis umakyat at kung hahagilapin nya ba ang classroom pag uwian(si mrs. morales kasi nun nung second year ako, bago siya umuwi, chinecheck nya muna ung classroom). fortunately, di naman pala ganun ka-strict si mrs. navarro pag dating sa mga gamit namen. so nagsimula na akong mag-iwan ng libro. hanggang sa geom na lang ang dala ko lagi. ilang beses kaming nahuli ni mrs. navarro pero wala naman siyang pakealam. ang ayaw niya lang ay ung sobrang gulo at ung mga merong nakalagay sa upuan namen. pero may times din na sinasabi niya, ung mga pwede lang iwan ang dapat iwan. siyempre walang sumusunod dun kaya hayun, ayos muna tapos pag tumagal na naman, sabog-sabog na naman ung mga gamit. hanggang sa dumating ung time na nagkasira-sira na ang aming mga plastic envelopes. kaya kinailangan magdala ng bago. hehe. ung iba, dala-dalawa pa. ung iba soxal, nakapaper bag na para isang hatakan na lang sa cabinet. ung iba naman, may paper bag na nga, may envelope pa. tsktsk. si darwin nga, bag na mismo iniiwan ehh. haha. ung iba sa upuan na lang sinasabog gamit. inaayos lang pag andyan si ms. hehe. ung iba nakahiwalay ung mga libro sa envelope dahil mahirap isiksik ung envelope pag masyadong madaming laman. basta iba-iba ang istilo. unahan lagi sa paglagay sa cabinet. madadaya ung malalapit dun. hmft. ung iba sa may blackboard. ung iba sa gilid o likod ng cabinet. kapag chem nun, ang aming last subject, pag wala ng ginagawa at kapag napansin ko na na madami ng nagtatayuan at nagsisiksikan sa sulok ng classroom kung saan nakalagay ung cabinet, cue na un na magbebell at kelangan ko na din mag-ayos ng gamit tska mag-powder at kung ano pa man. halos buong school year o siguro buong school year na nga, sa lahat ng araw na present si mrs. navarro, takbuhan agad sa mga pinagtaguan lalo na ung mga hiwa-hiwalay pa ung mga gamit. haha. may times din na sobrang bilis umakyat ni mrs. navarro(usually kasi, nauuna talaga kami umakyat sa kanya) kaya pag ganun grabe. wala ng pakelamanan sa gamit ng iba kahit kumalat un sa lapag eh bsta makuha mo ung sayo. haha. naalala ko nun, nasa classroom na si mrs. navarro at di pa namen nakukuha mga gamit namen dahil nauna siya. pa-simple ang lahat. sobra. ung iba, kunwari maglilinis. sabay pagbalik sa upuan may dala ng envelope. grabe. nakakatense. haha. pero nakakamiss ng sobra ung mga ganung moments. haiii. tapos meron pa ulit isang beses, nag-uusap si ms. tolen at mrs. navarro sa corridor kaya siyempre todo madali kami. eh napansin ni ms. tolen tapos sabi niya, "o bt nagmamadali kayo?" sabay silip sa classroom. haha. sara agad ng cabinet eh. pota. nakakamiss. once din pala, nung nabadtrip samen si mrs. navarro kasi sabog gamit namen tapos sabi niya na iuwi daw ang dapat iuwi, iniwan namen gamit namen sa fourth year, st. mark. hahaha. pero isang beses lang naman un. aion. grabe pala ang napagdaanan ng mga gamit namen.



pag may okasyon at kelangan ng program, di kami nauubusan nun. pero peyborit ko ung showdown ng grupo nila kevin at grupo nila jep sa sayawan. grabe. ang angas. haha.


may mga open forums pa and sharing whatevs kami pag religion na wala daw makakalabas tapos biglang nalaman ni ms.tolen ung kay aron. haha. at tska question and answer portion for teachers. wahaha. mga secretsss un eh. at nagka-10-point bonus pa kami sa geom dahil sa ganun. yey.


may mga issues din nun. hahahaha. joke lang. aion na lang muna. next time na ulit ung iba.

|| 12:43 PM

Saturday, April 14, 2007
phobophobia

kahapon, friday the 13th. may nakita ako sa main page ng MSN na tungkol sa phobias at medyo na-curious ako kaya inopen ko tapos may nakita ako na ang wiweird na phobias. ung iba, medyo ok pa eh. ung sa balloons, clown(scary naman talaga kasi. bt ba madaming batang natutuwa dun?), mime(scary din) pero meron din ung takot sa green peas at biscuits something. meron pang vomit. wala lang. tapos kanina, natripan ko mag-research sa google ng phobias. may isa dun na binuksan ko at eto ang nakalagay:



Funny Phobias
Most of the people in the world have a fear of one kind or another. While most people suffer from pathophobia (fear of disease), monophobia (fear of being alone), glossophobia (fear of public speaking), algophobia (fear of pain), taphephobia (fear of being buried alive), and many more, there are also some less popular phobias. At the end of this essay, I have compiled a list of the phobias that I find amusing.
http://www.geocities.com/nallen20/FunnyPhobias.txt

medyo nakakagulat lang dahil yan ung mga medyo kinatatakutan ko. hehe. di naman siguro un phobia dahil di naman ung tipong mamamatay na ko pag pumasok yan sa isip ko. pero nakakatakot lang. hehe.
PATHOPHOBIA
- takot ako magka-disease. sinu ba naman kasi hindi? pero ayoko talaga nung tipong unti-unting naaagnas katawan ko(haha. meron ba nun?) ung mga ganun ba. para kasing ang hirap hirap mag-survive.
MONOPHOBIA
- ung literal na mag-isa ako sa isang unfamiliar place talaga, oo naman. katakot talaga un. pero kung sa public places tapos mag-isa lang ako, medyo. ayoko ng ganun. nakakabadtrip kasi. haha. pero dito sa bahay, kadalasan nagkukulong ako sa kwarto dahil gusto kong mapag-isa. haha.
GLOSSOPHOBIA
- eto talaga oo. di ko nga alam kung bakit eh. hehe. siguro sa harap ng isang klase, pwede pa. pero sa as in buong batch o buong school, taena. wag ganun. dati naman nung bata ako, sanay ako sa ganyan. haha. mas tensionado pa magulang ko sakin nun. tska pa-easy easy lang ako pag magdedeliver ng speech. pero ngayon, dyusko. ayoko. lalo na pag spontaneous. takte. patayan na lang tayo.
ALGOPHOBIA
- dati ko pa hinahanap ung tamang term para sa fear of pain. hehe. ok lang naman na nasasaktan ako. ung medyo lang. pero ung mala-hostel, saw, texas chainsaw style, pota. mas gugustuhin ko na lang barilin ako ng isang beses sa ulo para madalian. tska kung maano man nga ako sa sitwasyon na ganyan, ako na mismo papatay sa sarili ko. hehe. kung mamatay ako, gusto ko euthanasia. basta ayoko ng torture. un siguro un. haha.
TAPHEPHOBIA
- pag naiisip ko na mangyayari sakin to, malamang natatakot ako. haha. wala na kasi akong kawala ehh db? pwera na lang kung kasing tibay ng kamao ko ang kay uma thurman sa kill bill. pero masakit pag sinuntok-suntok ko ung coffin ko(usually db pg nililibing ng buhay, kahoy. hehe) at tulad nga nung sa taas, ayokong nasasaktan ako. haha. lalo na pag glass pa un nu. kamusta naman. tapos ang dilim pa nun. dyusko. wag naman sana mangyari sakin un. haha.
aion. wala lang. meron pa kong kinatatakutan ehh, ung pag hinahabol(literally). di ko lang alam term dun. haha. basta ayoko nun. nagsimula ata ung ano ko dun nung napanood ko ung texas chainsaw. true story pa kasi db. tapos ung pain pa. haha. taena. ayoko din ung ocean minsan kahit nagpupunta ako sa beach. di naman siya phobia pero natatakot ako. hehe. nakakapagswimming naman ako pero sa mababaw lang. ayoko nung naglalakad sa ma-sea weeds. grabe. scary. haha. nakakatakot kasi ang mga sea creatures(kahit aliw na aliw ako pag napapanood ko sa discovery channel) pero ung pag actual na, spooky. haha. takot ako sa pagi ba un. ung nakapatay kay steve irwin. may napanood kasi ako nun na nasa mababaw lng sila naglalakad tapos may natapakan pa silang ganun. nakakatakot lang. hehe. tska sea urchins. tae sila. ang sarap nilang patayin. haha. sama eh. kaya ayoko sumakay ng barko. hehe. lalo na pag gabi db? grabe. pano pag nag-sink un. kamusta naman. parang lumalangoy nako nun patungong impyerno. katakot. hmmm. ano pa bang nakakatakot sa mundo? minsan takot din ako sa heights eh. pero bihira lang. pag naiimagine ko lang na nagwwall-climbing ako sa pearl(di ko pa nakikita pero mataas daw dun). para tuloy ayokong i-try. pero minsan kasi, nasa imagination na lang ung mga ganun. pag andun ka na mismo sa actual na scene, siguro maoovercome din naman un. pero ang never ko siguro maoovercome ay ung sa chainsaw guy and torture part. dahil siguro mamatay nako pagkatapos nun. tska siguro di na rin ako makakatakbo pag hinabol nya ko. hehe. grrrr. hayun. wala lang. la ako ma-share eh. haha.

|| 11:19 PM


ANG LAYOUT

medyo matagal-tagal na akong di nakapagpost di to. hehe. pero ngayon, bigla akong ginanahan. haha. ano kasi. bago na layout ko. yey. at salamat kay tatie. haha. grabe talaga. tuwang-tuwa ako nung nakita ko ang bago kong layout. haha. aun. thanks talaga tatie! astig.

ANG SUN CELLULAR

these past few days, sobrang napadalas ang pagkabadtrip ko sa sun. takte kasi. sobrang delayed tapos bsta. taena. grabehan magloko.

ANG DAY(as in) TODAY

exciting lang. :D

|| 11:12 PM

P r i s o n e r .

My Photo Jade Rubio ¦ Josephian ¦ Into Sports ¦ Loves Laughing The Hell Out Of Her System ¦ Enjoys Watching Great Foreign TV Shows ¦ Is In Love With Superman ¦ Admires OPM ¦ Aspires To Be A Great Surgeon Or Forensic Scientist ¦ Dreams Of Becoming A Bassist ¦ Appreciates Life And Hates It At The Same Time¦
L i n k s .
  • Raymond
  • Jazel
  • Tatie
  • Poi
  • Rian
  • Yanie
  • Katrina
  • Michael
  • Reesha


  • S t o r i e s .
    A r c h i v e s .

    November 2006
    December 2006
    January 2007
    February 2007
    March 2007
    April 2007
    May 2007
    June 2007

    C r e d i t s .
    Skin: Eclair.
    Edited by: Tatie.
    Picture: Bouchon.

    Best viewed in 1026 x 768 pixels screen resolution, Mozilla Firefox.