Monday, April 16, 2007
ang jobap
nung june 4 ata o something, tumawag sakin si empi peng(classmate ko for 6 school years, including third year,pinakamatagal). sinabi niya sakin na st.john the baptist ang aking section. nung second year ako, ito ung ayaw kong mapuntahan na section kasi parang ang ano lang. pero nung narinig ko ang balita, siyempre wala naman ako magagawa pwera na lang kung kulang ang iba pang section. nagbanggit si peng ng ilang names ng classmates namen, ung iba nakakagulat, may parang di ko feel, may masaya din naman, tska ung iba, di ko kilala at isa ang nakakabanas pero noon lang un. hehe. so di ko alam kung maeexcite ako dun pero sigurado ako, kinabahan ako.
first day na.
dun ako dumeretso sa may malapit sa ust dahil dun ang tambayan namen nila elaine(bestfriend na nasa australia na ngayon). so puro best section mga kasama ko dun. hehe. nang biglang dumating si jervis(di ko masyadong ka-close noon na soooper na ngayon). ang alam ko jobap siya pero tinanong ko pa din siya. jobap nga daw. hindi ko alam kung sino nagtanong pero napunta ang usapan sa C.E. parehas kaming C.E. dahil sa aming not-so-punctual attitude. haha. in short, late. ang naaalala kong dumating pa nun ay si tatie. jobap din siya. tatlo na kami. yey. ang next na naaalala ko ay ung pila na. dun kami nakapila sa tabi ng padre diego cera hall, sa may gate. habang nakapila kami, nakikipagkwentuhan ako kung kanino man. tuwang-tuwa pa ko nang biglang pumasok ng gate si jm. awww. sabay simangot. haha. siya noon ung kinababanasan(tama ba?) ko. hmft. badtrip. but then again, life goes on. hahaha. hindi pa si mrs. navarro ang kasama namen nun sa classroom dahil sa aksidente na nangyari sa kanya so may sub, si ms. delos santos. di ko na maalala mga pinagagagawa samen. sa mcdo kami nag-lunch. kaming tropa. so kamustahan tapos grabe. wala akong gana nun kumain at sukang-suka na ko. pero buhay pa naman ako. sa wakas, natapos ang first day!
second day.
absent ako dahil masama pakiramdam ko at SUPER di ko feel pumasok. kaya sigurado sumama pakiramdam ko. mwahaha. nabalitaan ko na lang na absent din si ano. grr. naisip ko nun na sana pumasok ako. siya lang naman dahilan kung bt ayoko pumasok eh. haha.
wala na akong maalala sa mga sumunod na araw eh. haha. balak ko pa man din isa-isahin hanggang lastday. tsk.
nang tumagal, sobrang nagustuhan ko na ang jobap. nakakatawa kasi sila. haha.
sa unang seating arrangement namen, andun ako sa tabi ng teacher's table. hmft. ang korni kaya di masyadong exciting ung moments nun. nung nag-palitan na, andun nako sa may left(pag nakatayo sa harap at nakatingin sa mga estudyante) corner ng classroom, sa pinakalikod. actually si sydney tapos ako tapos si macryn. grabe ung mga panahon na un. kahit kasumpa-sumpa init sa pwestong un. walang araw na hindi kami nagwala ni macryn kakatawa. sobrang saya ng kwentuhan lalo na pag dating sa lablayp. wahaha. exciting! pero dumating ung panahon na kelangan na namang lumipat ng pwesto. napadpad ako sa kabilang dulo naman ng classroom. pinakalikod pa din, tabi ng pinto. medyo sad dun dahil wala akong katabi sa left ko. pero ok lang din dahil si yvette ang nasa right ko. sumunod na place ko ay ung nasa harap lang nun(fumorward lang kami.haha) tapos after ay nag-move lang ng dalawa to the right. haha. gulo eh. katabi ko si jep nun kaya dumalas pagkbadtrip ko nun. haha. tska ang pagtawa din naman. ung huli kong pwesto, dun naman ako sa pinakaunahan pero pinakadulo pa din to the right. whehe. tabi pa din ng pintuan. hmft. katabi ko sa right ko si sisa(janel), si iris sa likod. nakakabaliw ung mga panahong un. si janel ba naman katabi ko eh. grabe. lagi akong tumatawa nun. as in. miss ko na tuloy un. aww. tska lagi din ako humihingi ng sky flakes kay iris. lagi kasi un nakain ehh. haha. kaya salamat. medyo badtrip nga lang sa place kong un dahil siguro madalas ako nakikita ni ms. tolen pag nakatayo siya sa likod o nakaupo kaya ako lging unang pinag-eexplain pag may sinasagutang assignments sa board na gawa ng iba ko namang classmate. grabehan un eh. grr. aun. sa seating arrangement pa lang yan.
nung mga first week ng eskwela, hindi ako nag-iiwan ng libro. ung mga pwede lang. pero nung dumating si mrs. navarro, inobserbahan ko muna kung gaano siya kabilis umakyat at kung hahagilapin nya ba ang classroom pag uwian(si mrs. morales kasi nun nung second year ako, bago siya umuwi, chinecheck nya muna ung classroom). fortunately, di naman pala ganun ka-strict si mrs. navarro pag dating sa mga gamit namen. so nagsimula na akong mag-iwan ng libro. hanggang sa geom na lang ang dala ko lagi. ilang beses kaming nahuli ni mrs. navarro pero wala naman siyang pakealam. ang ayaw niya lang ay ung sobrang gulo at ung mga merong nakalagay sa upuan namen. pero may times din na sinasabi niya, ung mga pwede lang iwan ang dapat iwan. siyempre walang sumusunod dun kaya hayun, ayos muna tapos pag tumagal na naman, sabog-sabog na naman ung mga gamit. hanggang sa dumating ung time na nagkasira-sira na ang aming mga plastic envelopes. kaya kinailangan magdala ng bago. hehe. ung iba, dala-dalawa pa. ung iba soxal, nakapaper bag na para isang hatakan na lang sa cabinet. ung iba naman, may paper bag na nga, may envelope pa. tsktsk. si darwin nga, bag na mismo iniiwan ehh. haha. ung iba sa upuan na lang sinasabog gamit. inaayos lang pag andyan si ms. hehe. ung iba nakahiwalay ung mga libro sa envelope dahil mahirap isiksik ung envelope pag masyadong madaming laman. basta iba-iba ang istilo. unahan lagi sa paglagay sa cabinet. madadaya ung malalapit dun. hmft. ung iba sa may blackboard. ung iba sa gilid o likod ng cabinet. kapag chem nun, ang aming last subject, pag wala ng ginagawa at kapag napansin ko na na madami ng nagtatayuan at nagsisiksikan sa sulok ng classroom kung saan nakalagay ung cabinet, cue na un na magbebell at kelangan ko na din mag-ayos ng gamit tska mag-powder at kung ano pa man. halos buong school year o siguro buong school year na nga, sa lahat ng araw na present si mrs. navarro, takbuhan agad sa mga pinagtaguan lalo na ung mga hiwa-hiwalay pa ung mga gamit. haha. may times din na sobrang bilis umakyat ni mrs. navarro(usually kasi, nauuna talaga kami umakyat sa kanya) kaya pag ganun grabe. wala ng pakelamanan sa gamit ng iba kahit kumalat un sa lapag eh bsta makuha mo ung sayo. haha. naalala ko nun, nasa classroom na si mrs. navarro at di pa namen nakukuha mga gamit namen dahil nauna siya. pa-simple ang lahat. sobra. ung iba, kunwari maglilinis. sabay pagbalik sa upuan may dala ng envelope. grabe. nakakatense. haha. pero nakakamiss ng sobra ung mga ganung moments. haiii. tapos meron pa ulit isang beses, nag-uusap si ms. tolen at mrs. navarro sa corridor kaya siyempre todo madali kami. eh napansin ni ms. tolen tapos sabi niya, "o bt nagmamadali kayo?" sabay silip sa classroom. haha. sara agad ng cabinet eh. pota. nakakamiss. once din pala, nung nabadtrip samen si mrs. navarro kasi sabog gamit namen tapos sabi niya na iuwi daw ang dapat iuwi, iniwan namen gamit namen sa fourth year, st. mark. hahaha. pero isang beses lang naman un. aion. grabe pala ang napagdaanan ng mga gamit namen.
pag may okasyon at kelangan ng program, di kami nauubusan nun. pero peyborit ko ung showdown ng grupo nila kevin at grupo nila jep sa sayawan. grabe. ang angas. haha.
may mga open forums pa and sharing whatevs kami pag religion na wala daw makakalabas tapos biglang nalaman ni ms.tolen ung kay aron. haha. at tska question and answer portion for teachers. wahaha. mga secretsss un eh. at nagka-10-point bonus pa kami sa geom dahil sa ganun. yey.
may mga issues din nun. hahahaha. joke lang. aion na lang muna. next time na ulit ung iba.