Thursday, January 04, 2007
2006
nagbloghopping ako at napansin na madaming nag-post tungkol sa mga experience nila nung taong 2006. at eto ako ngayon, makikigaya. hihihihi.
JANUARYnakakabaliw tong buwan na to. sobrang disappointing ang pagbabalik ng pasukan. langya. continuation din to nung intrams. every dismissal ginaganap. super korni pero ok lang.hehe. nakakawindang ung laban ng second year(st.anthony) and first year(st.vincent) dahil may nakablock sa palo ni kevin. ppffft! haha! pero panalo pa din sila kevin. hihi. the best din laban ng third year(ezmo) at fourth year(peter). grabe. galing talaga. panalo peter. so aun. nung kalagitnaan ng buwan na to, nakakaloko(literal), nakakagago pero nagpadala naman ako. haha. pumunta din si jolo sa school nung 27, friday. di nga lang kami nakapag-usap mxado. tanga ko kasi eh. haha. birthday din ni ate jenna nung araw na un pero wala naman siya sa bahay hanggang gabing-gabi na. boring...hihi.
FEBRUARYmay nalaman ako. natuwa na medyo disappointed. pero masaya talagang malaman mo ung ganun. after 2 years. haha. secret na lang un. medyo nagulo utak ko sa mga panahon na to. secret na lang ulit un. haha. hhhmmm. di na nagparamdam ang isang tao dyan. kaya aun. bsta. hehe. nung valentine's day, aun. wala akong maxadong maalala. haha.
MARCHsiryoso na.(secret) hmmm. may mga oras nun na sobrang di ko alam kung anong gagawin sa buhay ko. haha. aun. napasabak. kala ko ok na lahat di pala. hihi. start ng bakasyon. nag-outing kaming st.jerome sa cavite. enjoy naman. ang sarap nung puto. haha!
APRILhhmmm. nag-outing kaming tropa sa cavite ulet. kasama si jec na kakauwi from london. enjoy dahil sarap ng mga pagkain tska siyempre, magkakasama ulit kami. nung 4, wala lang. haha. umuwi din ata kami sa bicol nung buwan na to. holy week siguro un. kelan ba holy week nun? hehe. ewan. bsta umuwi kami sa bicol. neto din ata nung nalaman kong C.E. ako. dahil sa tardiness. pakshet.
MAYnakakawalang gana ung buwan na to. haii. birthday ni ate janice at late na din siya umuwi nun. wala nakong masyadong maalala. bsta ang alam ko, korni talaga neto. haha.
JUNEpasukan na naman. shet. 3rd yr nako, C.E. pa. napakahusay. st.john the baptist section ko. tahimik na naman ako siyempre nung first day. intro2. kakornihan..blahblah. kumain pa kami sa mcdo kabihasnan nung lunch. masuka-suka nako nun sa kabusugan at kaba. tae kasi. classmate ko ung taong sobrang kinaiinisan ko sa lahat, si ........ bwahahaha! aun. binalak kong lumipat sa ibang section dahil si ms. tolen nagtatanong pero di dn natuloy dahil sakto lang ata kami at whatever. buti na lang. hehe. birthday ko din pala nung 10. di ko na maalala kng ano ginawa namen nun eh. hehe.
JULYmedyo naaaliw na ko sa section ko dahil mahuhusay ung boys namen(i mean active sa recitation and everything) nakakabilib nga eh dahil sa girls, as in walang nagpapakabibo. hehe. laging napupuri ang mga lalaki at aun. blahblah. nung month ata nato, simula kong naging seatmate si macryn. aun. lagi kaming nagkkwentuhan tungkol kay....hihi(lande ba!) aun. siya nga tapos napaisip ako tapos ewan ko kung july nga un pero nagkausap ata ult kame. pero wala dn un. deadma pa din ako. haha. sama. nung month din ata na to nangyari nung nagluto kami sa bahay nila francis. dun namen simulang tinawag si ish na "mangga" dahil napakahusay niyang maghiwa nun. haha. dun din kami nagsimulang maging close ni Poi(ish).
AUGUSTeto ang pamatay, ung sinulog. grabe. todo practice kami dun. pero sobrang enjoy. magandang experience. thrice na ata kami nag-usap ng masinsinan ni ano... bwahahaha. medyo magkaayos na kami. :D august 30 ata ung presentation namen sa sinulog.grabe costume namen dun.haha.pero ipinagmamalaki kong sabihin na nanalo kami laban sa seniors! grabe talaga. ang saya2 ko nun! hehe. eto din ung buwan na umalis si meggy patungong australia. iyak ako ng iyak nung pumunta kami sa bahay nila. huhuhu. tae kasi un eh. binigay niya sa kin ung unan na pink na korteng buto. ang cute!
SEPTEMBERnung 1, fieldtrip namen. ang masaya lang dun ay ung sa falls. grabe. sobrang nakakapagod ung pag-akyat dun. langya. pero enjoy naman eh. hihi. ang kokorni na nung iba nameng pinuntahan kaya wag na un. hehe. hhmmmm. nung araw din na un, secret ulet. bsta masaya. hihi. nung 4 naman, feastday namen. ayos naman. dun nabuo ang FG/B. nag-forum kasi kami after nung feastday tapos nung pinaalis na kami ni mang vic sa school ay tumuloy sa bahay nila nicole at may naexperience pa kaming, i mean sila(ung nakakita) na nakakatakot dun. aun. siyempre. nagkatakutan na kaya nagsiuwian na kami. haha. dun na din nagsimula ung sunud-sunod na araw na sobrang horror ang na-experience namen lalo na ung mga nakakaramdam at nakakakita(buti na lang manhid ako.haha.) family day din pala namen nung 24 ata. todo practice kami nun para sa pagsayaw namen na muka talaga akong tanga. nakakahiya. haha. pero ok lang. enjoy naman ung practices eh. magkaayos na talaga kami ni jm nung mga panahon na un. hehe. birthday nya din nung 6 kasabay si macryn. di ko pala siya nabati ng maayos nun. hihi. masaya pala september ko. un pa man din pinaka-hate kong month.haha.
OCTOBERwala akong masyadong maalala dito. bsta ang naalala ko lang ay ung reco namen na sobrang enjoy talaga! super! kahit sa school lang. haha. pero honestly, napakasaya talaga nun! as in!! hihi. neto din ata nung kay milenyo? ah basta kung kelanman un pakshet talaga un! isang linggo kaming walang kuryente! hai nako. nakiplantsa pa ko ng blouse kila janine meneses. haha! thanks janine!
NOVEMBERano bang meron neto? eto ata ung month na sumayaw kami nung may mass. grabe un. kawindang! hiyang-hiya ako. taena! pero ayos lang. haha. wala dn akong mxadong maalala. hehe.eto din ata ung month kung kelan ako first time sumama kila jm sa bando.(first and last pa din so far) hekhek. tapos pagbalik namen sa school, may nangyari pang kinainis ng lahat tapos nagkayayaan somewhere tapos nanlibre pa ng gulaman whatever si jm. nyahahaha! aun. ang saya nung araw na un eh.. as in! haha. wala lang. start din ata neto ung doppsa. wala lang. haha. champion pala volleyball girls and boys ng elem at girls ng h.s. at runner up ung boys. congrats sa kanila!
DECEMBEReto ang the best talaga! masaya nung 5 ata un. harhar. shet talaga. kinikilig ako. bwahahaha! nung araw dn na un nalaman kong 71 ata ako sa computer nun. puta. napangiti na lang ako nung sinabi sa kin ni jeff un eh(wala kasi ako sa computer lab nung inannounce un kasi nasa classroom ako at ayokong pumunta dun, sabi naman kasi ni sir pwedeng sa classroom mag-stay o sa lab. napangiti pala ako kasi siyempre bagsak ako ibig sabihin mababa grades ko.haha.yoko ng iexplain un.pero narealize ko dn na papatayin ako ng mga magulang ko pag nalaman nilang bagsak ako).hihi. kaya agad kong sinabihan si jervis na samahan ako sa lab sa lunch para kausapin si sir. kabado ako nun. nung lunch, pumunta nga kami tapos aun. pinahanap sakin ni sir ung perio ko sa computer na ginamit ko nung ng-practical test kami. aun. naayos naman. whew! periodical din nun.napakasaya nung last day ng periodical. takte! tumambay kasi kami nun kila francis. aun. wala lang. haha. kinabukasan, practice para sa parade(intrams kasi kinabukasan) aun. after nun, adviser na namen makakasama namen for the rest of the day. pinag-usapan namen ung sa intrams at xmas party at blahblah sa wakas! intrams na! whoohoo! sobrang un talaga pinakaiintay ko sa buong school year! hehe. enjoy talaga un! di ko na ikkwento buong detalye dahil aabutin pa ko nag siyam2 dito but the bottom line is, masaya ang intrams ko! champion kasi kmi sa A-Z at volleyball.yey! umiyak din pala ako nung 2nd day ng intrams. may nakaaway kasi ako eh. wahaha! aun.sa xmas party naman, super enjoy naman din lalo na ung after nung party! un un eh! hehe. pumunta kami kila francis, sa citta italia na pagkalayo2 at aun. ang saya nung tennis na laruan dun! hehe. tapos bsta. enjoy un! hehe. ilang beses din kami pumunta ni tatie sa mall na kaming dalawa lang though sandali nameng nakasama si leo. haha. nung nung 3rd time, ATC na at kasama na namen si ish. sobrang enjoy un! napanood ko din ung kasal,kasali,kasalo. haha. kulet talaga ni juday! kaya idol ng ate ko un eh! haha. hhhmmm. nung pasko naman, un nga. sa bicol naganap un. nung 30, namatay tito ko. actually kakaalis lang kanina ng mom ko papuntang bicol para sa libing ng tito ko. 31, sa bluroze farm kami tumuloy at nakwento ko na sa previous post ko nangyari dun. hehe. ang saya talaga.
o_0
haii. dami palang masasayang nangyari nung 2006. grabe! kaya sobrang salamat sa mga taong nagpasaya neto. sa tropa ko, fg/b, sa classmates ko, kay meggy, sa close friends ko, sa family ko, sa rubios and dimaanos, at kay juan. hihi. sana patuloy akong ibless ni God with people who can make my life more worth living. aww. haha. drama!
ngayong 2007 naman, bagong yugto na naman ng aking buhay. haha. sana maenjoy ko din to tulad ng o mas higit pa sa 2006. :D