Sunday, January 14, 2007
hwanep na linggo
matagal-tagal na naman akong di nakapag-update. hehe. eto ang mga nangyari.
JANUARY 5
nag-meet kami nila raymond, iris, grace, keith sa school.napagdesisyunan namen puntahan si karen solis at isama sa school. andun ate nya. grabe. antaray. katakot nga eh. pero pinayagan naman si karen. pagbalik namen sa school, aun. type2. nakakahiya pala talaga hitsura ko sa yearbook. takte. haha.so un nga, hanggang sa mag-5 pm na, umuwi na kami pero kumain muna kami sa mcdo. nakapag-cokefloat na naman ako. yey. nakakaadik talaga un. hehe. anlamig sa mcdo. super. napakakwentuhan kaming magkakasama sandali tapos umuwi na kami. hehe.
JANUARY 6
saturday. ordinaryong araw. internet lang buong araw. tsktsk. alas-tres nako nakatulog neto. kuya ko kasi, pinagawa pa ko ng slide whatever para sa profile nya. takte. hindi ko naman masave2 dahil ngcclose ung window pg kiniclick ko ung save. badtrip talaga un.
JANUARY 7
mga 7:30 ata ako ginising ng ate ko. sobrang ayaw ko pa nga bumangon nun eh dahil antok na antok pa ko pero siyempre, papagalitan ako ng nanay ko kaya bumangon din ako. pupunta kasi kami sa sementeryo. nung pagdating namen dun sa forest park, aba! may nililibing pa dun sa as in katabi lang ng puntod ng auntie ko. hehe. kaya nag-park kami sa medyo malayo2 dun kasi madaming tao tapos after mag-alisan ng mga tao, nilapit na ung kotse. nagkita2 na naman ang rubios. haha. halos every week na lang kasi kami nagkikita kaya lalong sumasaya. haha. nag-baseball kami. laruan lang un. pero super saya. grabe. habang tumatakbo ako dun tawa ako ng tawa. after nun, kainan na. ang yummy nung mango torte na binili ni ate janice. pagkatapos magpakabusog, picture taking na naman siyempre di mawawala un. haha. tapos kwento2. nagkkwentuhan ung iba kong pinsan tska ung pamangkin ko na galing states. grabe. di na lang ako nagsasalita eh. haha. nakikitawa lang ako. kuya ko kasi lakas trip eh. so aun. hanggang sa mag-uwian na. hindi nga kami(ate janice,ate jenna, ako,) nakapagbbye sa mga pamangkin namen at pinsan ng maayos eh(balik states kasi sila kinabukasan) kasi nung nag-stop over ung ibang kotse sa gas station, nalampasan namen. ate ko kasi eh. un pala, dun pa lang pormal na magpapaalam mga pamangkin namen. tsktsk. so aun. dumeretso na kami tapos nag-drivethru kami sa mcdo. cokefloat ulet. yey! yummy. tapos nag-simba kami after. pagdating sa bahay, grabe ang hahapdi ng mga balat namen. dun ko lang napansin na nangitim ako. tska kaya pala ang hapdi ng muka ko. haha. sunburn dahil sa baseball. hehe. tapos nung tumingin ako sa mirror, nakita ko ung diperensya nung natatakpan ng sleeve ng damit ko sa hindi natatakpan. super itim! haha. grabe talaga. haii. nag-ayos na din ako ng gamit ko nun kasi pasukan na naman.
JANUARY 8
hindi ako maaga pumasok. mga 2 minutes na lang siguro before mag-bell ako dumating. hindi kasi ako excited, ayoko po nga pumasok eh. alam ko na kasi mangyayari. at hindi nga ako nabigo. tulad ng inaasahan ko, disappointing ang pagbabalik ng klase. ung uwian lang ang naaalala ko ng sobra. hehe. may pinakita samen si bunso sa cp nya, mga pictures na puno ng kababalaghan. ang galing nga eh. parang ung mga nakikita ko lang sa SFOGS nun, nung adik pa ko dun. haha. naglakad kami simula school hanggang pulanglupa. labasan kasi ng municipal. grr. kapagod. nakakainis talaga ung araw na to eh. kaya wala pa atang 8 nun o 8 pa lang, tulog nako. hehe.
JANUARY 9
tuesday. ang galing ni jervis nung araw na to. haha. wala lang. the best talaga ung lecheng un. ng-mcdo kaming mga fruitylicious. haha. biglaan lang un. iba kasi talaga ang plano pero na-cancel dahil sa mga taong pa-spexal. tsktsk. pinilit kong di mabadtrip. buti na lang. ang galing ko. haha. sa mcdo, grabe. antahimik namen habang kumakain pero pagtapos, dun na kame nagsaya. yey. nanlibre din si jianna na nasa ibang table, kasama si pianne, ng mcflurry. nakadalawang cokefloat pala ako. haha. yey. super sarap. enjoy talaga. anong petsa na tuloy kami nakauwi. hihi.
JANUARY 10
halos wala kaming ginawa buong araw. kung may lesson man, di din ako nakinig. ang pangit kasi sa pwesto ko. hehe. nag-mcdo ulit kami nung uwian. hehe. cokefloat na naman. grabe. ang sarap talaga. kwentuhan na naman kaming magkakasama. haha. adeek!
JANUARY 11
hindi kami nakapag-mcdo nung araw na to eh. hehe. busy kasi ung iba. lecheng chem kasi yan eh. nag-bangsak din kami nung uwian. katakot. haha.
JANUARY 12.
eto na ung sa play sa chem na hindi namen napaghandaan. puro adlib lang. haha. pero nung nagpperform ung 1st group, may aksidenteng nangyari sa koridor. may hawak kasing tako si nyle, tapos may nahulog si jervis. di ko alam kng ano eh tapos pag-ikot nya, tumama ung dulo nung tako sa super malapit sa mata nya. aun. pumunta si jervis sa clinic pati si ms. kaya natigil ung play. hanggang sa magbell na, wala pa din si ms. nung pagbalik nya, sabi nya dadalhin daw si jervis sa perpetual tapos blahblah. nagdasal kami para kay jervis tska para din kay ms. alvarez na nasa ICU dn. hinintay ko sila kuya sa school kasi manonood kami pyro. ang aga namen sa blu wave. hehe. kaya todo tambay lang kami dun. hanggang alas otso, bigla na lang my fireworks dun. aun. simula na. may magaganda pero ung iba, parang ordinaryo lang. hehe. after nung first, andun lang kami sa may kotse para hintayin ung 2nd. di ko alam kng anong mga bansa un eh. hehe. aun. fudtrip. ang kuya ko kasi, may dala pang mga peanut butter, chiswis,nusica tska cream cheese tapos tinapay at mga chichirya. tska mga tubig. haha. akala nya ata bbyahe kami patungong bicol. so aun. hanggang my fireworks ulet. parang nung una lang. pero prang mas maganda un eh. hehe. after nun, tambay kami sa loob ng bluwave tapos hanggang sa natripan na naman umuwi. hehe. mga 1 na ata kami nakauwi. natulog agad ako kasi kelangan kong gumising ng maaga.
JANUARY 13
maaga ako nagising.mga 6:30 tapos umalis ng 7:30.nagpraktis kami para sa English namen.halos wala kaming nagawa.tangina kasi eh.bt ako pa lider.so un nga.whatever na ung praktis tapos uwian na!yey! mga atat kasi bumisita kay jervis eh.hehe.pumunta muna kami sa sm pero saglit lang kami.bumili lang ako ng cookies para kay jervis.pumunta na kami sa perpetual agad.grabe.andami namen.28 ata kami nun.kasama pa si mrs.navarro, bale 29.ung iba saglit lang dun at aba, ung iba naka-isa pa kay jevis!madadaya sila!haha!so un nga,ung mga naiwan, kami2 nila tatie,peng,yvette,andeng,iris,neen,rodney at miguel.tapos maya2 lamang,pagbukas ng pinto ay nagulantang kami sa aming nakita.haha.kaya aun.di ako nakaalis sa tabi ni jervis.haha.joke.dumating din sila jm,leo at francis pero anong petsa na un.tsktsk.after nila umalis, kumain kami nila neen,andeng,yvette at tatie sa mcdo.cokefloat na naman!yummy.tapos pagbalik namen,sila miguel at rodney na lang andun kasi ano. wala lng. haha.after ilang minutes, umuwi na din kami.mga 9 na ko nakarating sa bahay. Yey.aun. nakakapagod pala ang sabado ko.haha.na-move din pala ung sa English.sa Friday na lang daw. Yey.